Monday, February 17, 2014

Moriones

Isang kaibigang taga Marinduque na nandoon na nakapangasawa ang nag-imbita sa akin para umatend ng Moriones festival.  Ang Moriones festival ay ginaganap tuwing Biyernes Santo.  Natuwa naman ako at first time kong ma-witness ang ganitong klaseng festival.



Nakatira ang kaibigan ko at ang kanyang pamilya sa bayan ng Gasan, malapit mismo sa munisipyo.  Sabi niya ay hindi daw ako mahirapang manood ng parada ng mga Morion pati na ang parada sa kanilang piyesta sa linggo ng pagkabuhay.  Swerte.  Dalawang events na magkalapit lang.



Dumating ako isang araw bago ang simula ng holy week.  Sa plaza ay nakikita kong busy na ang mga taga-doon na nagtatayo ng kanilang mga entry sa taunang patimpalak sa higanteng estatwa ng Morion.  Isa ang bayan ng Gasan kung saan ay dinadayo din ng mga turista tuwing holy week.  Alam naman natin na pag piyesta sa isang lugar, lalo na sa mga malalayong probinsiya, isa ito sa mga pinagkakaabalahan at pinagkakagastusan ng mga tao.  At hindi naiiba dito ang bayan ng Gasan.



Pagdating ng araw ng linggo ng pagkabuhay ay selebrasyon naman ng fiesta sa Gasan.  Taon-taon din ay may patimpalak ng sarili nilang bersyon ng street dancing.  Iikot ang mga kasaling grupo sa buong bayan ng Gasan habang umiindak ng kanilang sayaw.  Hindi ko lang alam kung may mga judges sa ilang piling kanto paikot sa bayang ito.  Pero ang pinaka-main performance nila ay mismong sa plaza ng Gasan.



Mabait ang kaibigan kong nag-imbita sa akin.  Sinasamahan niya ako lagi sa pag-ikot at pati na rin sa pagpapapicture.  Buti na lang at hindi selosa ang asawa niya at pinahiram muna niya pansamantala ang kanyang asawa sa akin.  Sabagay, kahit ang kaibigan kong ito ay hindi naman alam na may sikreto akong tinatago.  Ang pagkakaibigan namin ay tumagal na ng ilang taon na hindi nababahiran at gusto kong alagaan iyon.



Sa aming pag-iikot at pagpapakuha ng pictures sa mga kasali sa festival ay merong nakakuha ng aking atensiyon.  Sa tuwing kumukuha ako ng picture ay todo ngiti siya at paminsan-minsan ay dumidila.  Todo ang labas ng dila niya na parang bata.  Sabi ko baka nagpapapansin lang ito.  Hindi ko binigyan ng kung ano mang kahulugan ang inasal ng batang iyon.



Maya't maya pa ay iniwan ako pansamantala ng kaibigan ko at tutulong daw muna siya sa pagluluto dahil tiyak marami silang bisitang darating.  Iniwan muna niya ako sa plaza at sa liit ng bayan ay hindi naman ako maliligaw.  Kaya't habang mag-isa ako ay panay ang kuha ko ng pictures at pati na ang pagpapapicture kasama ang mga kalahok sa festival.



Dahil sa hindi pa nagsisimula ang parada ay libreng makakahalubilo sa mga grupo at muli akong napadpad sa grupo ng batang iyon.  Kahit na ibang mga kasamahan niya ang kinukuhaan ko ng picture ay pasimple siyang sumasali at todo ngiti pa.  At walang kaabog-abog na lumapit sa akin, sabay kuha ng camera ko at ibinigay sa kasama niya, inakbayan ako at nagpakuha ng picture.  Todo ngiti pa rin siya at napakamot na lang ako ng ulo sa kanyang ginawi.  Binulungan ko siya na wag ilabas ang dila niya kundi ay kakagatin ko ito.  Sumagot siya ng sige, okay lang.  Pansamantala akong natigilan sa kanyang sagot at kaagad kong hiningi ang kanyang number na kaagad din naman niyang binigay.



Nang magsimula na ang parada ay sumabay ako sa kanilang grupo.  Nagpasikat ang loko.  Isa siya sa mga magaling na sumirko sa ere at sa tuwing makabuo sila ng maayos na formation ay hanggang tenga ang ngiti niya.  At sa tuwing kukunan ko siya ng picture ay nakagawian niyang dumila ng todo sa akin.  Haha. Nakakatawa talaga ang batang ito.



Isa ang kanilang grupo sa mga naunang nagperform kaya't ng matapos na sila ay kaagad akong nagpaalam upang umuwi.  Pinigilan niya ako at nagpaalam siya sa kanilang grupo.  Dinala niya ako sa tabing-dagat at doon ay naghanap kami ng malilim na lugar at nagkwentuhan.



Nagpakilala kami ng pormal sa isa't isa.  Tawagin na lang natin siyang Morion Boy, 19 yrs old at nag-aaral sa malapit na kolehiyo sa kanilang lugar.  Akala ko nga noong una ay high schooler pa lang siya. Mas matangkad siya ng kaunti sa akin at moreno ang kanyang kulay.  Makinis ang kanyang balat at hindi mabalahibo.  Ang ganda ng ngiti niya at halatang pilyo dahil sa kanyang inaasal.  At maganda ang hubog ng kanyang katawan lalo na't naka native na chaleko costume silang mga lalake.



"Buti naisipan mong pumunta dito sa amin." Ang bungad niya pagkatapos naming magpakilala.  Pareho kaming nakaupo sa baybayin sa ilalim ng lilim ng isang puno at nakaharap kami sa dagat.



"Actually, matagal ko ng balak pumunta dito at natuwa naman ako kasi inimbitahan ako ng kaibigan ko."  Ang sagot ko naman.  "Mahal kaya ang bayad sa mga paupahan dito lalo na ngayong festival."



"E di sa amin ka tumuloy, libre lang." Ang walang kagatol-gatol niyang sagot.



"E ngayon lang kaya tayo magkakilala." Pangbubuska ko sa kanya.  Sabay kaming nagtawanan.



"Pasensya na ha at makulit ako. Haha." Naniningkit ang kanyang mga mata kapag siya ay tumatawa.  May angking kagwapuhan ang batang ito pag natitigan ng maige.



"Bakit nga ba makulit ka? At bakit naman ako ang natipuhan mong kulitin?"



"Wala.  Nagpapacute lang ako sa iyo. Haha." Tawa pa rin siya.



"Haha. Ganon? Bakit ka naman nagpacute sa akin? Akala mo naman ay bumenta ka."  Ang pang-aasar ko sa kanya.



"Oo naman. Bentang-benta nga e.  Kita mo at magkakilala na tayo ngayon. Haha."  Humiga siya sa buhangin at nakatawa pa rin.  Nakababa ang isang parte ng chaleko niya at tumambad sa akin ang matipuno niyang dibdib.  "Ang totoo niyan, di ko rin alam kung bakit magaan ang loob ko sa iyo."



"Ano daw?"  Inilapit ko ang tenga ko sa kanya.  Nagulat na lang ako ng biglang maramdaman ko ang dila niya na lumapat sa tenga ko.  "Ang lakas ng trip mo. Haha."



Dalawa lang kaming nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at nagkukulitan sa tabing dagat.  Halos lahat ng mga tao ay nasa plaza para manood ng palabas.  Sa kaunting sandaling iyon ay para na rin kaming matagal na magkakilala.  Pagkaraan ng ilang sandali ay hinatid pa niya ako sa bahay ng kaibigan ko at bumalik na siya sa plaza.



Kinabukasan, araw ng lunes, ay maaga siyang dumating sa tinutuluyan ko.  Ipinaalam sa kaibigan ko na ipapasyal daw niya ako.  Dahil sa mababait naman ang mga tao sa kanilang lugar at alam naman ng kaibigan ko na adventurous ako ay agad naman siyang pumayag.  At pagkatapos ng mahigit sampung minuto sa dyip ay narating namin ang bahay nila.



Typical na bungalow ang style na kanilang bahay.  Mga ilang hakbang lang ay tabing dagat na.  Ipinakilala niya ako sa kanyang mga magulang at dalawang nakakabatang kapatid.  At pagkatapos noon ay ipinaalam niya sa tatay niya na gagamitin namin ang isa nilang maliit na bangka.



Natuwa naman ako at sa pagkakataong ito ay makapagpraktis na naman ako ng pagsasagwan.  Bibihira ko lang magawa ang pagsasagwan at sa mga pagkakataong gaya nito ay talagang kinakarir ko. Haha.  Talagang todo effort talaga ang ginawa ko pero talagang kailangan ko pa ng madaming praktis para maging epektibo.  Nangingiti lang sa akin si Morion Boy habang minamasdan akong nagpapakahirap sa pagsagwan.  Samantalang siya ay parang wala lang at parang naglalaro lang.



Medyo malayo rin ang inabot ng pagsasagwan namin.  Maliit na tignan ang mga tao.  Dahil sa summer ang panahon ay hindi naman maalon ang dagat dahilan para mapanatag ako.  At sa paglutang ng bangka sa gitna ng dagat ay pareho kaming nahiga sa magkabilang dulo ng bangka.  Mainit sa mukha kaya nagtabing na lang kami ng baon naming ekstrang damit.



Wala muna kaming imikan habang nakahiga.  Ninanamnam ko ang experience na ito dahil first time kong naranasan ito.  Pero sadyang makulit ang kasama ko, sinimulan niyang kilitiin ang talampakan ko gamit ang kanyang paa.



"Seryoso ka dyan."  Panimula niya.



"Haha. Di naman.  Eto nagmumuni-muni lang."



"Ano naman ang iniisip mo?"



"Wala naman masyado.  Ninanamnam ko lang ang first time experience ko kasama ang isang bagong kakilala sa isang bangka na nasa gitna ng dagat."



Nagulat na lang ako ng bigla niya hilain ang paa ko. Sa pagkabigla ay hindi man lang ako nakakapit sa gilid ng bangka at nakaladkad pati ang katawan ko papuntang gitna ng bangka.  Sa gitna ng kabiglaan ko, nakita kong tawa ng tawa si Morion Boy.  Hindi ko na nagawang magtanong pa ng makita kong gumapang siya papunta sa kinahihigaan at pilit na pinausog ako para magkasya kaming dalawa. Todo pa rin ang ngiti niya.



"Natakot ka ano?" Panunuya niya sa akin.



"Nalaglag ata ang puso sa pagkabigla."  Natatawa na rin ako.



"OA mo naman. Andyan lang ang puso mo, o."  Wika niya sabay hawak ng dibdib ko.  Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.



Nabigla ulit ako ng hawakan niya ang dibdib ko.  Napatingin ako sa kanya.  Nakatingin din siya sa akin at biglang naging seryoso ang mukha.  Bago pa ako nakapagsalita, lumapit na ang mukha niya sa mukha ko.   At naglapat ang aming mga labi.



Agresibo ang batang ito pero sa paghalik niya ay bagito pa.  Simpleng halik lang ang iginawad niya.  Hinawakan ko ang mukha niya at tinuruan ko siya kung papaano humalik.  Sa kakaibang sensasyon na kanyang naramdaman, lalo pang bumuka ang kanyang mga labi at pilit na ipinagbubuti ang pagganti sa akin ng halik.  Malaya siyang umuungol at humigpit ang yakap niya sa aking katawan.  At sa pagdikit ng aming katawan, pareho naming naramdaman ang tigas ng aming pagkalalake.



Pumaibabaw siya sa akin.  Halos ayaw mapuknat ang aming halikan.  Mabilis siyang matuto at siya na ang may control ng sitwasyon.  At nagpaubaya na lang ako. 



Kay sarap damhin ang lambot ng kanyang mga labi at ang inosente niyang mga halik.  Kay sarap damhin ang bawat haplos ng kanyang mga kamay.  Kay sarap damhin ang katawan niyang nakadikit sa aking katawan.



Abot-abot ang hingal namin ng tumigil kami at nahiga muli si Morion Boy sa aking tabi.  Kahit na mas matangkad siya ng kaunti sa akin ay mas minabuti niyang bumaba kaunti ng puwesto at nilagay ang ulo malapit sa aking balikat.  Yumakap siya sa akin at nakapulupot ang kanyang paa.  Para siyang isang bata na naglalambing.



Habang mahigpit siyang nakayakap sa akin ay himas-himas ko ang kanyang likod.  Daig ko pa ang humehele sa isang paslit.  Sa pagkadikit ng aming katawan, ang init ay hindi pa rin humuhupa at pareho pa rin naming dama ang patuloy na paninigas ng aming pagkalalake.



"Bakit mo ginawa iyon?" Ang panimula kong tanong sa kanya.



"Di ba sabi mo titikman mo ang dila?"



Haha. Oo nga naman.  Sinunod lang naman pala niya ang gusto kong mangyari.



"Ano naman ang nakain mo at nahantong tayo sa ganito?"



"Di ko alam.  Ewan ko."



"Bata ka pa.  Marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo.  Marami ka pang mararanasan."



"Siguro.  Pero masaya akong ikaw ang una at naging parte ka ng buhay ko."



"Drama mo. Haha." Pinitik ko ang tenga nya.  Umangat ang mukha niya at muling naglapat ang aming mga labi.



"Tara. Ligo tayo."  Biglang tayo niya at sabay hubad ng kanyang mga damit.  Maganda ang hubog ng kanyang katawan.  Dahil sa babad sa araw kaya ang kulay niya ay di kaputian pero hayop sa ganda ng porma ng kanyang katawan.  At ang pagkalalake niyang tayong-tayo pa rin ay talaga namang may ipagmamalaki din.  Kakaunti lang ang balahibo niya sa kili-kili subalit malago ang damo niya sa kanyang ari.  Walang anuman sa kanya ang paghuhubad at hindi siya nahiyang ipakita sa akin ang kabuuan ng kanyang katawan.



Sumunod na rin akong naghubad.  Titig na titig siya habang naghuhubad ako.  At nang makita niya ang buo kong kahubdan ay nangingiti siya.



"Para kang hindi nasisinagan ng araw, a."  Wika niya ng tuluyan na akong hubo't hubad.  "At ang laki ng tite mo. Haha."



Sabay kaming lumundag sa tubig.  Ang sarap maligo dahil katanghaliang tapat.  At first time ko itong ginawa na maligo sa dagat ng hubot hubad.



Para kaming mga batang paslit na walang pakialam sa mundo.  Inienjoy namin ang panahong magkasama kami at solo ang parteng ito ng karagatan.  Hindi namin akalain na tuluyang magkakasundo kami kahit na kakikilala pa lang namin. 



Nang mapagod kami sa kalalangoy ay pansamantala kaming tumigil sa tagiliran ng bangka.  At muli ay nagkadikit ang aming katawan at naglapat ang aming mga labi.  Matagal.  Sabik.  Maalab.



"Mahal mo ba ako?"  Ang tanong niya ng malapitan.  Magkatapat ang aming mukha, magkatapat ang aming mga labi.



"Hindi ko masasagot yan." Hinalikan ko siya sa labi.  "Marami pa tayong hindi alam sa isa't isa.  Mahaba pa ang panahon at marami pa ang pwedeng mangyari.  Sa tingin mo, tatanggapin sa inyo ang ganitong relasyon?"



Hindi siya kumibo sabay buntong hininga.  Biglang nawala ang saya sa kanyang mukha. Inangat ko ang kanyang mukha sabay halik ulit sa kanyang pisngi.



"Panganay ka.  Malaki ang expectations sa iyo ng iyong mga magulang.  Maraming mga bagay na gusto natin subalit marami din tayong masasaktan.  Gampanan mo muna ang iyong parte sa iyong pamilya.  Pagdating ng tamang panahon, saka ka na magdesisyon kung ano talaga ang gusto mo sa buhay mo.  Sa ngayon, iienjoy mo na lang muna ang kabataan mo, tapusin mo ang pag-aaral mo, at maghanap ng magandang trabaho para makatulong ka pagkatapos."



Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita ako.  Madali din naman siyang umintindi at tumatango siya sa mga sinasabi ko.



"At saka mahirap ang sitwasyon natin dahil panandalian lang naman ako dito.  Pareho lang tayong aasa at baka pareho lang tayong masasaktan sa bandang huli.  Maige sigurong manatili tayong maging magkaibigan para kahit ano man ang alon ng buhay, magkaibigan pa rin tayo." 



Sa sinabi kong iyon ay niyakap ko siya at sinuklian din naman niya ng mas mahigpit pang yakap.  Medyo matagal din kaming nagyakapan hanggang sa naramdaman kong pinupulikat na ako.  Sumampa na kami sa bangka, nagbihis, at nagsagwan pabalik sa pampang.  At doon na rin ako nananghalian sa kanila.



Hapon na nang inihatid niya ako pabalik sa tinutuluyan ko.  Naglakad-lakad muna kami sa plaza bago siya umuwi sa kanila.  Ang dami pa naming napagkwentuhan, may mababaw at may malalim.  Hindi namin maipaliwanag kung bakit naging maganda ang ugnayan namin kahit na pareho kaming estranghero sa isa't isa.



Kinabukasan ay sinundo niya ako at siya na ang naghatid sa akin papuntang pier.  Malayo-layo din ang biyahe pero parang maigsi lang sa amin dahil walang patid ang daldalan namin.  Bago ako tuluyang sumakay ng barko pabalik ng Maynila ay nangako siyang mag-aaral ng mabuti at sundin ang mga payo ko sa kanya.  At nangako din ako sa kanya na babalik ako sa kanilang lugar sa takdang panahon.



Ngayong taon ay graduating na siya at patuloy pa rin kaming magka-text.  Walang relasyong namamagitan sa amin maliban sa aming pagkakaibigan.  Kahit na paminsan-minsan lang kami nagtitext sa isa't isa ay andoon pa rin ang pag-alala at pagpapahalaga sa namuo naming pagkakaibigan.  At sa darating niyang graduation ay gusto ko siyang sorpresahin.

-end- 

No comments:

Post a Comment