Monday, March 24, 2014

Pasahero

Isang ordinaryong araw at bumiyahe ako patungo sa isang kalapit na probinsiya.  Isang ordinaryong araw kung saan ay meron akong isang kakatwang karanasan.

Nakaupo ako sa kaliwang bahagi ng bus na kahilera sa upuan ng driver.  Siguro nasa panglimang hilera ako at kaagad naman akong naging at home sa puwesto ko.  Tahimik lang ang pagtakbo ng bus at paminsan-minsan lang itong maingay sa tuwing magtatawag ang konduktor ng mga sasakay.

Malayu-layo na rin ang itinakbo ng bus nang merong nahagip ang aking paningin sa bandang unahan na upuan.  Sa pangalawang hilera sa gawing pinakakanan ay merong isang nakaupo na tumawag sa aking pansin.



Sa aking puwesto ay kita ko lang ang kanyang likuran.  Hinihintay ko ang pagkakataon na lumingon siya pero sa tinagal-tagal ng aming biyahe ay diretso lang ang kanyang pagkaupo at di man lang lumingon.  Laking pasasalamat ko nang rumehistro ang kanyang mukha sa salamin sa bandang itaas ng pinakaunahan ng bus.  Ang gwapo nya.

Medyo payat ang kanyang pangangatawan.  Siguro nasa bandang 20 pa lang sya.  Nakapusod ang kanyang long hair na umaabot hanggang balikat.  Sa likod, ang gandang tingnan ng kanyang buhok na matingkad ang pagka-itim, talo pa ang mga buhok ng babae.  Sa kanyang hitsura pwede mo syang mapagkamalang miyembro ng isang banda.

Patuloy niyang sinisipat ang kanyang mukha sa salamin.  Hindi naman siya ngumingiti pero maamo ang kanyang mukha, ang sarap titigan.  Hindi ko alam kung vain sya sa sarili pero hindi siya magkakandaugaga sa pagsipat sa sarili sa salamin maya't-maya.  Hmmmm.  Mukhang inlove ata ito sa kanyang sarili. Hehe.

Sobrang nagpipiyesta naman ang mga mata ko sa tuwing masisipat ko ang kanyang mukha sa salamin.  Hindi naman ako tinigasan ng mga sandaling iyon pero sobrang na-cute-tan lang talaga ako sa kanyang hitsura. Haha.  Ganon talaga kababaw ang kaligayahan ko.  Makakita lang ng cute at gwapo ay solve na ang araw ko.  At bigla niyang nahuli na nakatingin ako sa kanya.  Patay.

Matagal siyang tumitig mula sa salamin, halos hindi kumukurap.    Ang ganda ng mukha nya, kay amo.  Seryoso ang kanyang mga mata pero makahulugan ang mga tingin niya.  Medyo namula ang mukha ko at ramdam ko na nag-init ang pisngi ko.  Haha. Nag blush ata ako ng mga sandaling iyo.  Pero dahil sa nagkasubuan na, hindi ko na rin inalis ang tingin ko sa kanya.  Ilang sandali pa ay una siyang bumawi ng tingin.  Tang ina biglang kumabog ang dibdib ko.  Haha.  Pero ang cute talaga niya.  Haha.

Matagal din akong nagpiyesta sa kanyang maamong mukha.  Hindi naman umabot doon sa puntong hinuhubaran ko siya nang tingin.  Basta nagkasya na ako sa pagtitig sa kanyang mukha at masaya na ako doon.  Hanggang sa dumating na ang panahon na pumara na siya.

Medyo nagulat ako sa kanyang pagtayo.  Hindi ko inaasahan na mauna siyang bababa sa akin.  Tang ina, ang seksi ng patpatin niyang katawan.  Siguro nasa 5'6 hanggang 5'7 ang kanyang tindig. Hindi naman hapit ang kanyang shirt pero kahit na simple lang ang kanyang porma ay may dating pa rin.  Naka backpack siya ng kulay black.

Sa pag step out niya papuntang isle ng bus ay napatingin siya bigla sa akin.  Lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat.  Hindi ko sukat akalain na magpukol siya ng ganong tingin sa akin.  Nakatitig na rin ako sa kanya.  

Marahan lang ang kanyang mga hakbang pababa ng bus.  Hindi ko alam kung ang mga titig na iyon ay isang paanyaya at ang kanyang marahan na mga hakbang ay nag-aantay ng aking pagsunod.  Kinabog bigla ang dibdib ko.  Sundan ko kaya siya?

At tumakbo na ulit ang bus.  Sayang.  Sana nagkaroon ako nang lakas ng loob na sundan siya.  Trip lang at baka magkaroon nang magandang kahihitnan.  Kaya lang ay estranghero ako sa lugar na iyon at medyo madalang ang daan ng mga bus.  Kahit na tanghali na ng mga sandaling iyon, medyo nag worry din ako na baka gabihin at maligaw ako sa aking pupuntahan.  Kaya't isinantabi ko na lang ang isa sanang magandang pagkakataon na iyon. Haha.  Tama na  iyong nagkaroon ng magandang pangitain ang isang ordinaryong araw ko.

-end-

No comments:

Post a Comment