Weekend na naman at usual na rest day ulit. Tanghali na akong nagising at wala akong kaalam-alam sa mga kaganapan sa labas. Nagkakagulo na pala at merong bagong lipat sa katabing apartment na inuupahan ko.
Paglabas ko ng apartment para bumili ng brunch ay nadaanan ko ang mga gamit na nakasalansan sa daanan. Medyo maraming mga gamit ang bagong lipat. Hindi na ako nakiusyuso sa kanila at tumuloy ako sa karinderyang malimit kong bilhan ng pagkain. Pagbalik ko ay patuloy pa rin ang ayusan ng mga gamit.
Buong araw na akong nagkulong sa bahay at talagang hinangad ng katawan ko ang magpahinga. Kahit dumilim na ay hindi na ako lumabas pa at hindi ko na tuloy nakilala pa ang mga bagong kapitbahay ko.
Dumaan ang isang linggo ay nawala sa isip ko ang bagong lipat na kapitbahay ko. Pinakadulo ang inuupahan ko at apat na apartments ang nadadaanan ko. Ang iba sa kanila ay kilala ko pero hindi naman kami talagang close. Mas pinili ko na hindi maging close kasi ang iba ay magti-take advantage pag malapit na kayo sa isa't isa.
Sabado ng hapon ng merong kumatok sa pinto. Sinilip ko muna sa bintana dahil hindi naman ako kita sa loob. Lagi kasing nakasara ang bintana ko at ayaw kong masilip ng mga kapitbahay. Bagong mukha ang nakita ko at binuksan ko bahagya ang pinto para makita ang nasa labas.
"Hi. Magandang hapon." Ang mahinang bati ng lalakeng nakatayo sa labas. Naka-board shorts siya at nakasando ng itim. Maputi ang kanyang complexion at mabalahibo ang kanyang binti. Tantya ko ay nasa mid-20's sya. Katamtaman ang kanyang pangangatawan at di naman kagwapuhan.
"Anong atin?" Ang tanong ko sa kanya. Tanging ulo ko lang ang nakadungaw sa pinto dahil sa nakabrief lang ako ng hapong iyon.
"Kami yong bagong lipat dito sa kabila. Ako nga pala si Paolo. Baka pwedeng makitawag sa landline at medyo may emergency lang kasi." Medyo nahihiya pa siyang humingi ng pabor.
Malamang ay naririnig nila ang ring ng telepono ko. Baka mahaba-habang usapan o wala siyang load sa cel kaya pinagbigyan ko na rin. Binuksan ko ang pinto at sinenyasan ko siyang ok lang na gamitin niya ang phone ko. Pagpasok niya sa bahay ay itinuro ko ang phone at balik naman ako sa harap ng computer. Hindi na ako nakinig kung ano man ang usapan nila dahil sa busy ako sa kalalaro. Haha. At hindi ko namalayan na mahaba-haba din pala ang inilagi niya sa paggamit ng phone. Nagulat na lang ako ng lumapit at kinalabit ako dahil sa sobrang tutok ako sa laro.
"Salamat ha. Pasensya na at naistorbo kita." Nakangiti siyang nakipagkamay.
Tumayo ako at nakipagkamay din.
"No problem." Ang tugon ko sa kanya.
"Ano nga ba ulit ang name mo?" Hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko.
"Nathan."
"Okay. Nice meeting you, Nathan, at salamat ng marami ulit." At lumabas na siya.
Kinabukasan, Linggo, ay may kumatok na naman. Alas-onse pa lang ata yon. Nasa loob ako ng banyo at naglalaba. Sinilip ko na naman sa butas ng bintana at nakatayo sa labas si Paolo na may dalang mangkok.
"Hi ulit. Nagluto kasi ako ng sinigang na baboy kasi naglilihi si misis. Marami akong niluto at baka di ka pa kumakain." Nakangiti na naman siya habang nagpapaliwanag. Sa asta niyang iyon ay nangiti na rin ako at pinapasok ko siya.
"Pasensiya na naglalaba kasi ako kaya ganito ang ayos ko." Ang sabi ko sa kanya kung bakit nakabrief lang ako at walang damit pang itaas.
"Haha. Pansin ko nga na hindi ka mahilig magdamit."
"Mainit e at saka wala naman akong kasama at nasanay na rin."
Kumuha ako ng lalagyan para maisalin na niya ang dalang ulam.
"Salamat." Ang maigsing sabi ko sa kanya.
"No problem kasi mabait ka naman."
Siguro sa maiksing panahon na lagi niyang pagkatok sa bahay ay naging palagay na ang loob ko sa kanya. Madalas ay nakikitawag siya kasi maselan pala ang lagay ng pagbubuntis ng asawa niya at kausap lagi ang doktor/biyenan niya.
"Kaya pala maganda ang porma ng katawan mo." Puna niya ng one time ay ginagawa ko ang routine ko at katatapos lang niya tumawag sa phone. "Akala ko dati ay naggigym ka."
"Walang perang pang member kaya dito na lang sa bahay nagtityaga."
"Sabagay, tipid nga yan. Ano pala routines mo?"
"Push ups, sit ups, at unting buhat lang ng dumbbells. Pang kondisyon lang ng katawan."
"A ok. Ang sabi pag nagbubuhat ka daw ay lumiliit ang ano mo."
"Ang alin?" Napatingin ako sa kanya.
"Yong pututoy mo." Nahihiya pa siyang sabihing titi. Haha.
"Ewan ko kung totoo un. Di naman kasi ako nagbubuhat ng mabibigat at saka di ko naman pansin na lumiit ang ari ko."
"Pansin ko nga na malaki yan. Hehe."
"Kaw Pao ha, mukhang sinasize up mo ata ako."
Nagulat siya sa sinabi ko at nag blush.
"Haha. Biro lang." Ang sabi ko sa kanya ng makita kong nag-iba ang expression ng mukha. Kapagkuwa'y ngumiti na rin siya.
Mabilis ang takbo ng panahon kapag marami kang pinagkakaabalahan. At dahil sa rin sa magandang pakikitungo ni Pao ay nakagaan ko na rin siya ng loob.
Friday ng gabi, past 10 na ata ako nakauwi dahil sa nag overtime ako. Nadatnan ko sa labas ng apartment nila na nagsosolo si Pao at umiinum mag-isa.
"Gandang gabi." Ang bati niya sa akin ng papalapit na ako.
"Gandang gabi rin. Nagsosolo ka ata." Puna ko sa kanya. Actually, hanggang ngayon ay hindi ko pa nakita ang hitsura ng asawa niya. Laging nakakulong sa loob at kapag week end, ako naman ang nagkukulong sa bahay. Haha.
"Wala si misis e. Hinatid ko sa bahay nila at napapraning ang biyenan dahil maselan ang pagbubuntis. Medyo matatagalan ata siya don hanggang sa maging ok na yong kabit ng beybi namin."
"A ganon ba. Sige pasok muna ko." Ang paalam ko sa kanya.
"Sama ako." Tumayo siya at sumunod sa akin.
Binuksan ko ang tv at pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Pero hindi naman talaga ako magbibihis, maghuhubad lang. Haha. Gaya ng dati, nakabrief lang at nasanay na rin si Pao sa akin.
"Dinalhan kita ng isang bote pero hindi na masyadong malamig." Inabot niya ang isang bote ng beer sa akin.
"Thank you pero hindi ako umiinom." Ang tanggi ko sa kanya.
"Bakit?" Medyo salubong ang kilay niya ng tumingin sa akin.
"Wala e, di ko talaga gusto ang alak." Umupo na rin ako sa sofa kung saan din siya nakaupo. "Mukhang nakadami ka ata?"
"Pangatlong bote pa lang to." Sabay lapag sa center table ng beer na inaalok niya sa akin. "Bakit hindi mo subuking uminom para naman pag may okasyon ay makakasabay ka."
"Wala talaga e. Mga isa o dalawang lagok lang at ang tiyan ko ay nag-aalburuto na." Paliwanag ko. Sa tinuran ko ay hindi na siya nagpumilit.
Habang inuubos niya ang natitira pang laman ng huling bote ay nagkasya na lang kaming manood ng Bubble Gang. Laugh trip kung baga.
"May gf ka na, Nat?" Tanong niya ng magcommercial break.
"Meron, nasa province."
"Ah, long distance relationship. Di ba mahirap?"
"Medyo pero tiis-tiis lang konti."
"Buti at hindi ka naghahanap ng iba dito?"
"Di naman at may plano na kasi kami. Baka in two years time ay magpapakasal na kami."
"Mabuti naman. Paano ang sex life mo nyan?" Natatawa siya habang nakatingin sa akin.
"Eto o." Itinaas ko ang kamay ko sabay astang nagbabate. "Kapiling ko naman lagi si maria. Hehe."
"Haha. Sabagay." Natawa na rin siya sa ginawa ko. "Nagkarelasyon ka na ba sa lalake?"
"Hindi pa. Ikaw ba?"
"Hindi din. Pero na-tsupa ka na ng bakla o bi?"
"Oo."
"Masarap ba?"
"Depende sa gumagawa pero masarap kung sa masarap. Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Hindi ko pa kasi na-experience."
"Si misis ba?"
"Wala. Hehe. Nandidiri siya sa ganon."
"A ok."
Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo ako upang maligo. Medyo malagkit ang pakiramdam ko at mas masarap matulog kapag presko. Iniwanan ko pansamantala si Pao na inuubos ang laman ng bote habang nakatutok sa tv.
Nagbabanlaw na ako ng kumatok sa banyo si Pao. Ihing-ihi na daw siya at dahil sa di naman nakalock ang pinto ay pinapasok ko na rin.
Diretso agad siya sa inidoro at parang gripo nga ang ihi. Haha. Samantalang panay ang buhos ko naman. Natapos na siyang umihi pero hindi pa rin lumalabas ng banyo. Nakita ko na lang na wala siyang imik na nakatingin lang sa akin.
"Uy, may amats ka na ata at hindi ka na gumagalaw diyan." Ang biro ko sa kanya habang nagpupunas na ako ng tuwalya.
Ngumiti lang siya at lumabas ng banyo. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako at nakatapis lang ng tuwalya. Tinungo ko ang harap ng electric fan at pilit na pinapatuyo ang buhok ko.
"Ang ganda talaga ng katawan mo, nakakabakla ka." Ang biglang wika ni Pao.
"Haha. Lasing ka lang kaya nasabi mo yan." Natawa talaga ako sa sinabi ni Pao.
Nabigla na lang ako nang maramdaman kong nasa likuran ko na si Pao at yumakap sa akin. Dama ko ang mainit niyang hininga at langhap ko ang amoy ng alak.
"Uy, anong drama yan?" Natatawa pa rin ako habang sinusubukan kong kumalas sa kanya.
Lalong humigpit ang yakap niya. "Mahal na yata kita, Nat."
Dahil sa may tama na siya at sa tingin ko ay magkakagulo lang kung magpambuno kami ng lakas ay hinayaan ko muna siyang yumakap. Nagbabakasali akong mag mellow din sya at matauhan.
"Easy ka lang. Ibang klase ka pala kapag nakainom." Pilit kong kinakalma ang sarili ko at ipinagpatuloy ko lang ang pagpapatuyo ng buhok ko.
"Posible bang maging tayo, Nat?" Parang bata na ang asta ni Pao at ayaw pa ring kumalas sa pagkayakap sa akin.
"Nakainom ka lang, Pao." Pilit ko siyang inaalo. "Bukas pag wala ka nang tama, usap tayo."
Mahirap siguro malagay sa sitwasyon niya. Hindi ko alam kung naghahanap lang siya ng kalinga, o naimpluwensiyahan ng alak, o may tinatago siyang ibang pagkatao. Ganoon pa man, ayaw ko siyang husgahan.
Tabi kaming matulog ng gabing iyon. Hinayaan ko lang siyang maglambing sa akin. Kahit na medyo tinablan ako sa yakap niya ay nangibabaw pa rin ang pagtimbang ko ng sitwasyon ni Pao. At madali lang siyang nakatulog.
Maaga akong nagising at hinayaan ko muna siyang matulog hanggat gusto niya. Total Linggo naman at wala ang asawa niya, siguro mainam na makapagpahinga muna siya. Mamaya lang kaunti ay makapag-usap na kami ng masinsinan.
Handa na ang agahan at hinintay ko na lang siyang magising. Mag-aalas otso na nang lumabas siya ng kuwarto. Diretso siyang pumasok sa banyo at medyo natagalan bago lumabas. At inaya ko siyang sabay na kaming mag-almusal.
"Sarap nang tulog mo ah." Bati ko sa kanya pag labas niya ng banyo.
Nakayuko lang siya at ayaw tumingin sa akin. Nilapitan ko siya at inakbayan.
"Tara kain muna tayo." Inaya ko siyang umupo para sabay na kaming kumain.
Tahimik pa rin si Pao.
"Uy, mukhang may hang over ka pa rin. Magkape ka muna para manumbalik ang ispiritu mo." Alok ko sa kanya.
"Nahiya ako sa ginawa ko kagabi. Pasensiya na." Ang una niyang nasambit pagkaupo. Ayaw pa rin tumingin sa akin.
"Nakadami ka lang kagabi kaya't makulit ka." Nangingiti lang ako sa kanya. Maamong nilalang siya at parang ayaw gumalaw sa kanyang kinauupuan.
"Alam ko naman ang nangyari kagabi at hindi talaga ako lasing. Siguro nagkaroon lang ako nang lakas ng loob dahil sa nakainom ako." Pumatak ang luha niya sa mesa.
Nabigla ako sa pagtulo ng luha niya. Lumapit ako at tinabihan ko siya.
"Ok na iyon at hindi naman ako galit sa iyo. Nag-alala lang ako kagabi at nakainom ka." Ang alo ko sa kanya.
Bago pa kami kumain ng agahan ay nagtapat na siya sa akin. Ang kanyang tunay na pagkatao, ang kanyang mga kinakatakutang mga bagay, at mga sitwasyong nagpapagulo sa kanyang isipan. Maraming mga katanungan at mga alinlangan ang pilit niyang iniiwasan at para itong mga multo na palaging nakabuntot sa kanya.
"Siguro ay may rason kung bakit nagkakilala tayo at kung bakit ako ang nasabihan mo. Ang tangi ko lang sigurong maipapayo sa iyo ay matuto kang magsakripisyo kahit na ang kapalit nito ay ang tunay na kaligayahan na siyang hangad mo. Minsan kasi may mga gusto tayong hindi nararapat at sa paghahangad natin na makamtan ito ay may mga taong pwedeng masaktan at pwedeng ikasira ng buhay natin. Malamang kung walang ibang masasaktan, baka pwedeng palayain mo ang damdamin mo. Pero mapalad ka pa rin kasi meron ka ng sariling pamilya at kahit pagbabaligtarin mo pa ang mundo, ang pamilya mo ang bukod tanging magmamahal sa iyo ng tapat. Bilang kaibigan ay papakiusapan na kitang wag pumasok sa isang mundo na hindi ka sigurado. Siguro sa simula ay magiging masaya ka subalit sa kalaunan ay baka mauwi lang ang lahat sa wala at maiiwan kang mag-isa. Pero nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon."
Ilang buwan din ang tinagal ng samahan namin at nagkaroon din ako ng pagkakataon na makilala ang asawa niya. Bago pa man nanganak ang misis niya ay nalipat na ako ng work assignment kaya't napilitan akong lumipat ng tirahan. Simula nang umalis ako sa lugar na iyon ay wala na kaming komunikasyon ni Pao.
-end-
-end-
Galing talaga ni Nathan.
ReplyDelete