Wednesday, October 15, 2014

Family Affairs - 42

“Sir, ako po ang mag-aayos ng aircon niyo.  Tatay ko po si Tony.  Ako po si Alfred”  Ang pakilala ng isang binata kay Manuel nang buksan nito ang gate.  Medyo payat ang pangangatawan ng taong nagpakilala sa kanya na may dalang mga gamit.  Halos hanggang tenga ni Manuel ang tangkad ng binata sa kanyang harapan.  Hindi ito kaputian pero malinis naman tingnan.

Si mang Tony ang siyang aircon technician na suki ni Manuel.  Dating nagseservice sa kanilang office si mang Tony at nang lumaon ay kinuha na rin ni Manuel ang kanyang serbisyo.  Ilang beses na ring nasira ang aircon nila at si mang Tony ang siyang gumagawa nito.

“Nasaan ba ang tatay mo?”  Ang tanong ni Manuel habang isinasara nito ang gate pagkatapos na papasukin ang binata.  Nakaputing tshirt ito at nakamaong na pantalon at naka-rubber shoes.

“May trangkaso, sir.  Dala ata ng panahon.”  Ang sagot naman ng binata.  Marahil ay uso nga ang trangkaso dahil malamig na ang panahon at malapit na ang pasko. Maging si Manuel ay lumiban muna sa trabaho dahil pakiramdam nito ay lalagnatin siya.  Inutusan na nga nito si Jojo na bumili muna ng gamot at maggrocery na rin.

Dinala ni Manuel ang anak ni mang Tony sa kanyang kuwarto.  Kagabi nang kasarapan ng kanyang tulog ay huminto sa pag-andar ang aircon at umaga na nang kanya itong makita na palyado na pala.  Agad siyang tumawag kina mang Tony para mapaayos agad ito.

Mabilis namang kumilos si Alfred at kanya munang tiningnan kung merong kuryenteng dumadaloy sa outlet.  Nang masigurong okay ang outlet ay binaklas nito ang aircon.   Pagkatanggal ng aircon ay sinamahan siya ni Manuel sa garden at doon ay titingnan ni Alfred kung ano ang diperensiya ng aircon.

“Sir, okay lang po ba kung magtanggal muna ako ng damit at baka uuwi akong mukhang pulubi mamaya.”  Ang natatawang request ni Alfred.  Natawa din si Manuel sa tinuran ng binata at mabilis itong naghubad ng damit nang pumayag si Manuel.

Nagulat si Manuel nang tumambad ang hubad na katawan ni Alfred.  Mukhang payat tingnan si Alfred kapag nakadamit pero lintek ang porma ng katawan nang ito ay makapaghubad.  Tumambad kay Manuel ang solid na porma ng dibdib ni Alfred at ganoon din ang mga pandesal nito sa tiyan.  Mukhang babad sa gym ang isang ito at tinalo pa ang porma ng katawan ni Manuel.

Sinimulang kalasin ni Alfred ang aircon at nilinisan muna niya ito. Medyo makapal na rin ang alikabok kaya’t napasabak si Alfred sa pagtanggal lalo na nang mga dumikit na alikabok.  Muling tinesting ni Alfred ang aircon kung may dumadaloy nga bang kuryente dito.

“Sir, malaki pala ang titi niyo.”  Ang natatawang sambit ni Alfred sabay nguso sa harapan ni Manuel.  Nakatayo si Manuel nang hindi kalayuan sa puwesto ni Alfred at kampante ito sa suot niyang boxers.  Hindi namalayan ni Manuel na bumakat na ng todo ang kanyang titi at tinablan siya sa hitsura ni Alfred.

“Haha.  Oo ganyan talaga yan.  Pasaway.”  Ang bawi ni Manuel pero pakiramdam niya ay bigla siyang namula at parang pagpapawisan siya.  Mukhang nabisto siya ni Alfred.

“Ang suwerte naman pala ng partner nyo, sir.  Malamang kung ako ang merong ganyan ay marami akong mapapaligayang lahi ni eba.”  Naging kampante na si Alfred sa pakikipag-usap kay Manuel.  Tuloy pa rin siya sa pag estima ng kanyang tester sa iba’t ibang parte na dinadaluyan ng kurtenye sa aircon at paminsan-minsan ay sinusulyapan si Manuel.  Nakita niyang biglang nagkambyo ng harapan si Manuel.

“Malamang ay magaling ka sa kama at tiyak sa hitsura mong iyan ay marami ka ng sexperience.  Hehe.”  Ang balik ni Manuel kay Alfred.  Kanina pa ay nakatutok ang mga mata ni Manuel sa technician pero hindi ito nakatingin sa aircon kundi sa hubad na katawan ni Alfred.

“Sakto lang, sir.”  Tumayo si Alfred upang maghugas ng kamay sa kalapit na gripo.  Kinuha nito ang bimpo sa pocket ng kanyang likurang pantalon at nagpunas nang pinagpawisang katawan at ganoon din ang kanyang mga kamay.  Ilang saglit pa ay lumapit ito kay Manuel.  “Sir, bibitbitin ko muna ang aircon niyo at papalitan ko ang prion kung kinakailangan.  Ibabalik ko agad ito bukas para may magamit kayo.”

Sa pagtapat ni Alfred kay Manuel ay parang walang narinig si Manuel kundi ang kabog ng kanyang dibdib.  Nagsimulang mamuo ang mga pawis sa noo ni Manuel at hindi niya maiwasang tumitig sa matipuno at solid na dibdib ng binata.  Para siyang biglang hawakan ni Alfred ang kanyang balikat.

“Sir, mukhang lalagnatin din ata kayo.”  Ang puna ni Alfred sabay dantay ng kanyang palad sa leeg ni Manuel.  Mainit nga ang balat ni Manuel pero ramdam ni Alfred ang malalim na paghinga ni Manuel.  “Baka naman sir matunaw ako sa mga titig mo.  Hehe.”

Iyon ang hinihintay na signal ni Manuel.  Tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Alfred at nakita niyang nakangiti ang binata sa kanya.  Pantay ang mga ngipin ni Alfred at parang mapang-akit ang kanyang mga mata.  Parang may sariling buhay ang mga kamay ni Manuel at agad nitong dinama ang matipunong dibdib ni Alfred.  Kusang nilaro ng kanyang mga daliri ang mga utong ni Alfred at si Alfred naman ang nabigla ngayon sa mabilis na pagkilos ng mga kamay ni Manuel.

Nang hindi pumalag si Alfred ay niyapos ni Manuel ang hubad na katawan ng technician at sinimulan niyang paliguan ng halik ang matipunong dibdib nito.  Medyo maalat ang balat ng binata dahil sa pawis nito pero brusko ang amoy ng katawan nito.  Pilit na sinusungkal ng kanyang dila kulay brown na utong ni Alfred at nagawa niyang paungulin si Alfred nang kagatin niya ng mahina ang isang utong nito.

“Sir.”  Ang mahinang tugon ni Alfred nang madali ni Manuel ang kiliti at libog nito.  Kahit na kaunting lapirot lang sa kanyang dede ay mabilis na sumisipa ang libog ni Alfred na siyang pinakagusto niya.  Eto ang hinahanap niya sa kanyang mga naging kapareha pero kadalasan ay siya lang ang halos gumagawa.

Napakapit ang dalawang kamay ni Alfred sa ulo ni Manuel habang lalong pinagbubuti ni Manuel ang ginagawang pagromansa sa dibdib ni Alfred.  Nang marinig ni Manuel na umungol ang binata at maging ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang ulo ay tanda na tinablan na ito at nasarapan.  Pinagsawa muna ni Manuel ang sarili sa matipunong dibdib ni Alfred at nagsimulang maglakbay ang kanyang mga palad sa mga pandesal nito sa tiyan hanggang sa masapo niya ang harapan ng binata.  Walang pagtutol si Alfred nang mabilisang hubarin ni Manuel ang kanyang pantalon sabay sapo sa kanyang matigas na pagkalalake.

Habang patuloy na niroromansa ni Manuel ang dibdib ni Alfred ay mabilis niyang nahubaran ng pantalon si Alfred.  Totoo nga ang mga sabi sabi na kapag payat ang isang tao ay dakila ito.  Matigas at mainit ang titi ni Alfred nang mahawakan ito ni Manuel.  Halos isang dangkal ang haba ng titi nito at lihim na natuwa si Manuel sa angking dakila ni Alfred.  Hindi gaanong katabaan ang titi nito at sakto lang ito sa pandama ng mga kamay ni Manuel. 

Ang dalawang kamay ni Manuel ay todo laro sa titi ni Alfred at pumaitaas ang ginagawa nitong pagromansa sa binata.  Magkahalong dila at halik ang ginagawa ni Manuel sa leeg ni Alfred na lalo pang nagpaungol sa binata.  Hindi inaasahan ni Alfred na gagawin iyon ni Manuel at first time niyang makatikim na maromansa sa leeg.  Napahigpit at napaungol pang lalo si Alfred nang
umakyat ang bibig ni Manuel sa kanyang tenga.  Gustong humalagpos ni Alfred mula sa pagkayapos sa kanya ni Manuel dahil sa tindi ng kiliti na dulot ng pagdila nito sa kanyang tenga.  Hindi alam ni Alfred kung anong klaseng pihit ng katawan ang gagawin dahil sa sensasyon na ngayon lang niya natikman.

Nagwawala ang katawan ni Alfred kasabay nang mahigpit nitong pagkapit sa katawan ni Manuel at palakas ng palakas ang kanyang mga ungol dahil sa ginagawang pagromansa ni Manuel sa kanyang leeg at lalo na sa kanyang tenga.  Halos mapapamura siya sa kiliti at sarap dulot ng romansang iyon.  Matindi pala ang taong kanyang kaharap at talagang sulit ang pagpapaubaya niya dito.  Sa kakapalag ni Alfred ay hindi sinasadyang nagsalubong ang kanilang mga labi at wala siyang magawa kundi ang gumanti nang halik kay Manuel dahil tinablan na siya ng todo sa ginagawa nito sa kanya.

“Sir, ang tindi nyo pala.”  Habol ang hininga nang kumalas siya sa pakikipaghalikan kay Manuel.  Parehong magkadikit ang kanilang mga mukha at hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Alfred.  Ang galing ni Manuel sa romansahan at hindi niya inaasahan na bibigay siya sa pakikipaghalikan kay Manuel.  Pagkatapos na makabawi ng kanilang hininga ay pinagsawa nila ang kanilang mga sarili sa tindi ng kanilang halikan.

Umupo sa metal na silya si Manuel at hindi na nito kayang sikilin pa ang damdamin na hindi matikman ang nagwawalang titi ni Alfred.  Basa na ang ulo ng titi ni Alfred at tumatagas na ang precum nito.  Maging si Alfred ay nasabik na rin sa tindi ng libog na kanyang nararamdaman.  First time na makaramdam ng ganitong klaseng libog si Alfred at ang kapwa lalake pa niya ang nagparanas ng ganito sa kanya.

“Ohhhhh.”  Isang malakas na ungol ang pinakawalan ni Alfred nang susuhin ni Manuel ang kanyang titi.  Parang vacuum ang bibig ni Manuel at hindi makapaniwala si Alfred na nagawang isubo ni Manuel nang buo ang kanyang titi.  Ilang babae na bang ang sumubo ng kanyang titi pero hanggang ulo lang sila at agad din nila itong iniluluwa.  Ngayon lang ang merong nakagawa na maisubo ito ng buo at talaga namang hindi magkamayaw ang sarap na dulot nito para kay Alfred.

Halos walang kapaguran ang bibig ni Manuel sa pagsubo ng titi ni Alfred.  Sanay na siyang sumubo ng titi at di hamak na merong mas malaki pa sa titi ni Alfred ang kanyang nasubo.  Kahit na mahaba ang titi ni Alfred ay walang reklamo si Manuel.  Ilang saglit pa ay nagsimula na ring umayuda ng katawan si Alfred.

Parang sinisilaban sa init ang katawan ni Alfred lalo na ng kanyang makita ang galing sa pagsubo ni Manuel.  Parang walang anumang tinatanggap ng bibig ni Manuel ang kabuuan ng kanyang titi kahit na isagad pa ito ni Alfred.  Ramdam ni Alfred ang mainit na bibig ni Manuel kapag dumidikit ito sa kanyang bulbol.  Talagang matindi nga si Manuel sa pagsubo ng titi na siya namang ikinasiya ni Alfred. 

Bumuka ang mga hita ni Alfred at bigay todo na siya ngayon sa pagkantot ng bibig ni Manuel.  Panay ang kanyang mga ungol at panay din ang himas niya sa ulo ni Manuel.  Sobrang nadala na sa kalibugan si Alfred at wala siyang iniisip ng mga sandaling iyon kundi ang marating ang langit.  Nadagdagan pa ang kanyang pag-ungol nang maramdaman niya ang daliri ni Manuel sa kanyang puwet at nilalaro na para bang kinikiliti nito ang bukana ng kanyang puwet.

“Ahhhhh.”  Isang matinding pag-ulos ang ginagawa ni Alfred papasok sa loob ng bibig ni Manuel.  Mahigpit ang paghawak niya sa ulo ni Manuel at napasubsob ang bibig ni Manuel hanggang sa pinakapuno ng titi ni Alfred.  Sa unang bugso pa lang ay masaganang katas na agad ang pinakawalan ni Alfred at tuloy-tuloy ang pagsirit ng kanyang tamod sa lalamunan ni Manuel.  Si Manuel naman ay panay ang lunok sa bawat pagsirit ng tamod ni Alfred.  Halos hindi na niya ito malasahan dahil diretso sa kanyang lalamunan ang tamod ni Alfred.

Pakiramdam ni Alfred ng mga sandaling iyon ay para siyang biglang nahayok sa kakaibang sarap sa piling ni Manuel.  Sadyang napakagaling ni Manuel at hindi nagsisi si Alfred na pagbigyan ito.  Halos lahat na ata ng lakas ni Alfred ay malaya niyang naibuhos sa bibig ni Manuel at walang nasayang na tamod kahit na isang patak man lang.


Halos walang patid ang mga ngiti ni Alfred kahit na tuluyang nakapagbihis na ito.  Binitbit niya ang aircon paalis ng bahay ni Manuel na baon ang isang experience na tanging si Manuel lang nakakapagbigay sa kanya.  Nangako siya na aayusin agad ang aircon para muling makabalik kina Manuel.

1 comment:

  1. nakakatuwa ang story series mo... hindi nakakaumay kahit kailangan kong basahin mula sa part1... good job! :D

    ReplyDelete