Wednesday, March 4, 2015

Family Affairs 54 - Bakasyon nina Manuel at Jojo

Kahit na nabigla ay tuwang-tuwa naman ang pamilya ni Jojo sa kanilang pagdating.  Laking tuwa ng nanay nila nang makita ulit ang kanilang panganay kahit na biglaan ang pagbisita nito at walang pasabi man lang.  Hindi tuloy sila magkakandaugaga sa paghanda ng kanilang hapunan lalo na at kasama ni Jojo ang kanyang amo.

Maagang natulog si Manuel dahil napagod ito at matagal pa bago sumunod na natulog si Jojo.  Halos hindi matapos-tapos ang kwentuhan nilang mag-anak dahil sobrang nasabig ang mga ito sa kanya lalo na ang nanay niya.  Halos dalawang beses lang sa isang taon kung magbakasyon si Jojo at suwertehan na rin kung tumagl ito ng ilang araw.  Karaniwang bakasyon kasi nito ay dalawa o tatlong araw dahil na rin siya ang inaasahan ni Manuel sa bahay at sa pagtingin ng mga bata.

Tirik na ang araw ng gumising si Manuel.  Sobrang napasarap ang tulog niya.  Paglabas niya ng kuwarto ay nakita niyang abala ang lahat.  Iyon pala ay naghahanda sila ng isang masaganang tanghalian.  Natuwa naman si Manuel sa magandang pag-estima sa kanya ng pamilya ni Jojo.

Halos magkasunod ang agahan at tanghalian ni Manuel.  Nagkape na lang ito at nagkasyang panoorin ang lahat habang abala ang mga ito sa paghahanda.  Animo’y may piyesta sa bahay nina Jojo ng araw na iyon.

Isang masaganang tanghalian ang pinagsaluhan ng buong mag-anak kasama na si Manuel.  Nagluto sila ng bulalo na trademark ng Batangas.  May pritong tawilis na galing sa lawa ng Taal.  Malalaki din ang grilled tilapia na pinalamanan nila ng sibuyas at kamatis.  Pati tapang kabayo ay meron din at sinamahan pa nila ito ng pakbet.  Talagang nagpakabusog ang lahat ng araw na iyon.

Papadilim na nang merong dumating sa bahay nina Jojo.  Kababata daw iyon ni Jojo at kaibigang matalik.  Randy ang narinig na pangalan ni Manuel nang tawagin ito ng tatay ni Jojo.  Mabilis na bumaba ng bahay si Jojo at parang mga batang nagyakapan ang mga ito nang magkita.

Agad na ipinakilala ni Jojo ang kaibigan kay Manuel.  Halata ang puntong Batangueno ni Randy.  Payat ang pangangatawan nito at mas matangkad ito ng kaunti kay Jojo.  Niyayaya pala niya si Jojo na pumunta sa kanila dahil sobrang tagal na nilang hindi nagkita.

Halatang excited si Jojo sa pagdating ng kaibigan at agad itong nagbalot ng mga ulam na kanilang dadalhin.  Tiyak na mag-iinum ang dalawang ito at isang masaganang pulutan ang dala ni Jojo.  Napilitang sumama si Manuel kay Jojo dahil tiyak matatagalan ito bago makabalik sa kanila.

Sumakay sila sa trisikel ni Randy at medyo malayo din ang itinakbo nito bago pumasok sa isang makipot na kalye.  Kakaunti palang ang mga bahay dito at mula sa liwanag ng mga bahay ay naiispatan ni Manuel na bukirin ang mga ito.  Makaraan ang ilang saglit ay pumihit ang trisikel at pumarada sa harap ng isang bahay.  Bungalow ito at yari sa semento ang bahay pero mukhang hindi pa tapos. 

Pagkapasok nila ng bahay ay agad silang ipinakilala ni Randy sa asawa nito.  Halatang bata pa ang babae at kasalukuyang nagpapatulog ng bata.  Mukhang ilang buwan pa lang ang sanggol.  Tinanong sila ng babae kung kumain na.  Naghain na lang si Randy ng kanin at inilagay ito sa isang pinggan na plastic.  Nagbitbit pa sila ng ilang plato at baso at nagtungo sa likod ng bahay.  May tambayan pala doon sa likod bahay sa ilalim ng puno kung saan ay taniman ng palay ang katabing lupa.  Muling bumalik si Randy sa loob ng bahay at paglabas nito ay may bitbit ng empe at yelo.

“Grabe, nag-asawa ka na pala pero hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal mo.”  Ang kantiyaw ni Jojo kay Randy.   Magkatabi sa upuan si Jojo at Randy na nasa likod ng puno.  Hindi mawari ni Manuel kung anong klaseng puno iyon pero mayabong ang mga dahon nito at may kataasan.  Nakaharap naman si Manuel sa kanilang dalawa.  Inilatag na rin nila ang dalang ulam ni Jojo at kanya-kanya na silang diskarte sa pagkain.

“Paano kita iimbitahin e hindi pa naman kami kasal.”  Ang natatawang tugon ni Randy. 

“Siyempre, best man ako.  Hehe.”  Inakbayan ni Jojo si Randy sabay halik sa pisngi nito.  Biglang tinapik ni Randy si Jojo sa ginawa nito sa kanya.  Natawa lang si Jojo sa reaksiyon ni Randy pero hindi niya ito pinansin.  Nagmamasid lang si Manuel sa dalawa habang binubuksan ni Randy ang bote.

Mula pa raw pagkabata ay magkaibigan na silang dalawa hanggang makagraduate ng high school.  Pareho silang tambay pagkatapos noon at lagi daw silang sanggang dikit sa mga lakaran.  Nagkahiwalay lang sila nang magtrabaho na si Jojo sa iba’t ibang lugar hanggang mapadpad sa Manila.

Halatang babad din sa araw si Randy.  Ang balat at kulay niya ay parang kay Edwin, ang magbabalsa na nakilala nina Manuel.  Payat ang pangangatawan nito at walang kamasel-masel kung tingnan.  Nakabrush up ang buhok nito na tila ba binatilyong naglalagay ng gel sa buhok.  May kinang ang mga mata nito kapag tumatawa at medyo may hitsura kumpara kay Jojo.

“Paano mo naman nadale si misis.”  Ang usisa ni Jojo nang magtagay na si Randy.  Hindi nakaligtas sa paningin ni Manuel ang ginawang pagsubo ng tapang kabayo ni Jojo kay Randy.  Napabaling na lang sa iba ang tingin ni Randy nang makitang nakatingin si Manuel sa kanila at sinasaway si Jojo na huwag manggulo.

“Nalasing ako sa bahay ng tropa ko.  Ayun, nakabuo ng wala sa oras.  Hehe.”  Parang mga batang nagtawanan ang dalawa.  Nakita na rin si Manuel sa nakitang kakulitan ng dalawa.

“Alam mo si sir Manuel wala kaming tinatagong sikreto niyan sa isa’t isa.”  Ang biglang pihit ng usapan ni Jojo.  Napapansin kasi niyang hindi komportable si Randy sa mga ginagawa nito sa kanya.  At para patunayan kung gaano ka komportable si Jojo na kasama si Manuel ay bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Randy sabay halik sa mga labi nito.  Halos maging estatwa si Randy sa ginawang iyon ni Jojo.  Hindi niya akalain na gagawin iyon ng kanyang matalik na kaibigan sa harap ng ibang tao.

“Kahit kelan ogags ka talaga.”  Natatawang sabi ni Randy sabay tungga ng unang tagay.  Malamng kung maliwanag lang ay nakita na marahil ni Manuel ang pamumula ng mukha ni Randy.

“Hindi ba kayo magsisindi ng gasera o kandila man lang?”  Ang bungad ng misis ni Randy.  Sumunod pala ito sa kanila.

“Ok lang mare.  Medyo maliwanag naman ang kalangitan.”  Ang sagot ni Jojo.  Tumayo ito para bigyan ng lugar ang asawa ni Randy sakaling gusto nitong umupo at sumali sa kanila.

“Naku, kayo na lang.  Hindi ako pwedeng magtagal dito at hindi pa tulog ang baby.  O siya, bahala na muna kayo diyan.”  Agad namang bumalik sa loob ng bahay ang misis ni Randy.

“Maganda ang asawa mo at bata pa.”  Ang sambit ni Manuel pagkaalis ng misis ni Randy.

“Nakajackpot ka, tol.”  Ang pangungulit ni Jojo kay Randy.  Sinisiko niya ito na para bang nang-aasar.

“Siya ang nakajackpot sa akin.  Haha.”  Ang biglang hirit ni Randy.  Nag high five pa ang dalawa at nagkatawanan.

“Malaki pa rin ba si junior?”  Ang tanong ni Jojo kay Randy sabay kapa ng harapan ni Randy.  Parang naasiwa si Randy sa ginawi ni Jojo at pilit nitong inaalis ang kamay ni Jojo sa kanyang harapan.  Malamang ay hindi nga sanay si Randy lalo na at may kasama silang ibang tao.  Nang patuloy na pumapalag si Randy ay may binulong si Jojo sa kanya.  Halos hindi kumukurap si Randy na nakatingin lang kay Manuel.  Ilang saglit pa ay hinayaan na niya si Jojo na kapain ang kanyang harapan.

Lalong nag-init ang pakiramdam ni Manuel nang tumagay siya.  Hindi niya alam kung anong meron sa dalawang ito pero ang ginagawang paghimas ni Jojo sa harapan ni Randy ay sapat nang palatandaan na merong namamagitan sa dalawa.  Maya't maya pa ay parang umangat ng upo si Randy.  Iyon pala ay pumayag siyang ibaba ni Jojo ang kanyang shorts.

Nakailang ikot na ang tagay subalit walang ni man sa kanila ang kumuha ng kanin.  Sa dalang pulutan ni Jojo, tanging ang tapang kabayo lang ang kanilang kinakain.  Sa tingin ni Manuel ay sanay ang dalawang ito sa inuman at matagal bago malasing ang mga ito.  Matagal din bago napansin ni Manuel na pati pala ang isang kamay ni Randy ay nasa ilalim na rin ng mesa at malamang ay pareho silang naghahawakan ng titi ni Jojo.

Dahil kakaunti lang ang kanilang tagay, halos hindi pa nangangalahati ang nabawas sa long-neck na empe.  Malakas lang sila sa pulutan at halos paubos na rin ang tapang kabayo.  Habang tumatagal ay padalang ng padalang ang kanilang kwentuhan hanggang sa biglang naghalikan na lang ang dalawa.

Kung kanina ay medyo nag-aalangan pa si Randy dahil sa presensiya ni Manuel, ngayon ay hindi na ito nahiya.  Hindi alam ni Manuel kung epekto ba ng alak ang nagtulak sa dalawa lalo na kay Randy para mas maging matapang ito sa kanilang ginagawa ni Jojo.  Paano na lang kung biglang bumalik ang asawa nito at makita silang nag-aanuhan?

Mukhang hindi komportable ang dalawa sa kanilang puwesto.  Nang pareho silang tumayo ay kapwa wala na pala silang salawal.  Hinayaan na lang nila itong mahulog sa lupa at kagyat na dinampot ni Jojo ang kanilang mga salawal at inilagay ito sa ibabaw ng upuan.  Walang nagsasalita sa kanila pero dama ni Manuel ang pananabik nila sa isa’t isa.

Sa pagtayo ng dalawa ay naaninag nga ni Manuel na may angking kadakilaan si Randy.  Payat nga ang pangangatawan nito pero mukhang mahaba at malaki ang titi nito.  Kaya pala ganoon na lang ang pagkasabik ni Jojo sa kaibigan.  Tantiya ni Manuel ay malalim na ang namamagitan sa dalawa.

Pumuwesto ang dalawa na nakatayo sa gilid ng puno na natatakpan ng malagong halamanan.  Hindi agad ito kita kapag may paparating na tao.  Ang kabilang gilid kasi ng puno ang siyang parang bakod sa daraanan palabas at papasok sa espasyo nina Randy.  Ang mga malalagong halaman ang siya namang nagsisilbing bakod na pahalang at ang isang parte nito ay siyang nag-uugnay sa katabing lote at sa malaking puno.

Hindi na naghubad ng damit na pang-itaas ang dalawa.  Mabilis na nagdikit ang kanilang mga katawan at sila ay nagyakapan.  Nakasandal sa puno si Randy at si Jojo naman ay parang nakadagan sa katawan ni Randy.  Muling naghalikan ang dalawa at sa mga mahihinang tunog ng kanilang mga labi at ganoon din ang mga mahihina nilang mga ungol ay nagpapatunay na sobrang namiss nila ang isa’t isa.  Ang ibabang bahagi naman ng kanilang katawan ay patuloy na nagkikiskisan.

Salit-salitan kung magromansahan ang dalawa.  Animo’y sanay na sila sa kanilang ginagawang ritmo at ganoon na lang kung sila ay magbigayan.  Ang kanilang mga katawan ay parang pinagdikit na halos ayaw nang maghiwalay.  Malamang kung maliwanag ang paligid ay mas masarap panoorin ang dalawang ito.

Maya't maya pa ay tinawag ni Jojo si Manuel.  Agad namang lumapit si Manuel sa dalawa.  Pinasandal ni Jojo si Manuel sa puno at humarap sa kanya si Randy.  Dama agad ni Manuel ang matigas na titi ni Randy na tumutusok sa kanyang harapan.  Hindi na nag-atubili pa si Manuel at kagyat niyang hinimas ang tirik na titi ni Randy.  Malamang ay tigang nga ito dahil kapapanganak pa lang ng kanyang misis.

Biglang naging kakaiba ang pag-ungol ni Randy.  Napatukod ito ng dalawang kamay sa puno at napagitnaan ng kanyang mga kamay si Manuel.  Mahigpit ang hawak ni Jojo sa tagiliran ni Randy at nakapasok na ang titi nito sa puwet ni Randy.  Sa ungol ni Randy ay mukhang matagal na itong hindi natitira dahil parang hirap itong tanggapin ang titi ni Jojo.

Halos sumubsob ang mukha ni Randy sa mukha ni Manuel habang tinitira ni Jojo si Randy.  Halos magkapalitan na sila ng hininga ng mga sandaling iyon.  Habang tuloy ang ginagawang paghimas ni Manuel sa titi ni Randy ay nangahas na rin itong halikan ang mga labi ni Randy.  Noong una ay hindi gumagalaw ang mga labi ni Randy pero nang lumaon ay lumalaban na rin ito.

Marahan lang ang ginagawang pagtira ni Jojo kay Randy.  Pakiramdam ni Jojo ay sumikip muli ang puwet ng kaibigan.  Ang mga ungol ni Randy ay tanda na nahihirapan ito lalo na at wala silang pampadulas na ginamit.  Sobrang tagal na nga rin ang nakalipas nang sila ay huling magtalik ni Randy.

Maging si Randy ay nanibago sa muling pagpasok ng titi ni Jojo sa kanyang puwet.  Pakiramdam ni Randy ay first time ulit niyang magpatira at nasasaktan pa rin siya.  Silang dalawa lang kasi ni Jojo ang nagkakaintindihan sa bagay na ito simula nang matuto sila sa sex.  Second year high school noon nang magsimula silang mag ekspiremento na agad naman nilang nagustuhan at nang lumaon ay hinahanap na ng kanilang katawan.  Tanging sila lang ni Jojo ang nakakaalam ng bagay na ito.

Sa ginagawang patuloy na paghalik ni Manuel kay Randy ay unti-unting nalilihis ang atensiyon ni Randy.  Nagsimula na rin siyang makipagsabayan ng halik kay Manuel dahil nasarapan siya sa suwabeng hagod ng bibig at dila ni Manuel.  Si Manuel ang pangalawang lalakeng nahalikan ni Randy.

Pigil ang mga ungol ni Randy nang umupo si Manuel sa harap nito at sinimulang romansahin ang kanyang harapan.  Ngayon lang ulit may sumubo ng kanyang titi pagkaraan ng mahabang panahon.  Maging ang kanyang misis ay hindi magawa ito na siya namang pinakagusto sana ni Randy.  Simula nang matikman niya ang pagsubo ni Jojo sa kanyang titi ay malimit na nilang gawin ito.  Maging siya ay natuto na ring sumubo ng titi ni Jojo kinalaunan.

“Ohhhhh.”  Pigil din ang pag ungol ni Jojo.  Halatang sobrang nasabik ito sa kaibigan at hindi na niya nagawang patagalin pa ang kanyang libog.  Agad na nilabasan si Jojo at hinayaan nitong sumirit ang kanyang tamod sa loob ng puwet ni Randy.  Pagkaraan ng mahabang panahon ay ngayon lang ulit nadiligan ang puwet ni Randy ng tamod.

Isang malaking ginhawa ang naramdaman ni Randy pagkatapos na hugutin ni Jojo ang titi nito mula sa kanyang puwet.  Sana lang ay huwag dumugo ang kanyang puwet para di ito magmantsa sa kanyang salawal at hindi na magtanong ang kanyang misis.  Mabilis namang kumilos si Jojo at agad na pinahiran ang tumutulong tamod na mula sa puwet ni Randy gamit ang sarili nitong brief.

Pagkatapos na makaraos si Jojo ay agad na nagpalit sila ng puwesto ni Randy.  Halatang sobrang sabik din si Randy na matikman muli ang pagkantot sa kaibigan.  Walang kahirap-hirap na naipasok ni Randy ang sabik nitong titi sa puwet ni Jojo at agad na nagsimulang kumadyot.  Makaraan ang ilang saglit ay nilingon ni Jojo si Randy at bigla itong tumigil ng pagtira sa kanya.  Iyon pala ay pumuwesto din si Manuel sa likuran ni Randy at nagmamaniobra ito upang pasukin si Randy.

Magkahalong sarap at sakit ang dinaranas ni Randy ng mga sandaling iyon.  Hindi maitatagong nasabik siya at walang katulad ang sarap ang kanyang nararamdaman nang muli niyang makantot ang kaibigan.  Matagal na rin siyang dyeta sa kantutan kahit na sa misis niya.  Pero iba pa rin ang sarap na dulot ng puwet ni Jojo. 

Muling nahirapan si Randy na tanggapin ang mas malaking titi ni Manuel.  Parang biglang napuno ang kanyang puwet at patuloy itong binabanat ng titi ni Manuel.  Pilit niya itong tinitiis at idinaan na lang sa mahigpit na pagkapit sa katawan ni Jojo.

Hindi na nagawang isagad ni Manuel ang kanyang titi sa puwet ni Randy dahil halatang nahihirapan na ito.  Halos hindi na gumagalaw si Randy mula nang pasukin ito ni Manuel.  Nang si Manuel na ang kumadyot ay pigil ang mga ungol ni Randy at napapakapit ito ng husto sa katawan ni Jojo.  Binilisan na lang ni Manuel ang ginagawa niyang pagtira kay Randy hanggang sa labasan ito.

Pakiramdam ni Randy ay lumuwang na ng todo ang kanyang puwet.  Nahinuha niya na malaki at mataba ang titi ni Manuel at kung hindi lang makakaeskandalo ay tiyak na napasigaw na siya sa sakit. 

Pagkatapos na maalis ang pagkapasak ng titi ni Manuel sa kanyang puwet, pagkakataon na ni Randy ang kumadyot.  Kahit na medyo madilim na, dinig ang paglapat ng katawan nina Randy at Jojo.  Halatang may halong gigil ang bawat kadyot ni Randy at naroong sinasagad talaga niya ng todo ang kanyang titi sa puwet ni Jojo.  Makaraan pa ang ilang minuto ay pabilis nang pabilis na ang ginagawang pagtira ni Randy kay Jojo.

“Ahhhhh.”  Isang impit na ungol mula sa pagkasubsob ng mukha ni Randy sa likod ni Jojo.  Hindi nito maitago ang sarap na hatid ng kanyang pagpaparaos.  Sadyang nasarapan ng todo si Randy at kita ito sa higpit ng pagkayakap nito sa katawan ng kaibigan.

“Tol, kung babae lang ako, malamang ay matagal na tayong may panganay.”  Ang biro ni Jojo kay Randy pagkatapos nilang makapagbihis.  Nagtawanan na silang tatlo sa hirit ni Jojo at muling naghalikan ang dalawa.  Matagal at may kakaibang kahulugan ang halikang iyon.

“Sama ka sa amin bukas.  Ihatid mo kami hanggang kabilang bayan at ako na ang bahala sa iyo.”  Ang biglang suhestiyon ni Manuel kay Randy.  Mabilis namang sumang-ayon si Jojo.

Halos mangalahati lang ang naubos nilang empe nang ihatid ni Randy sina Jojo.  Biglang nagkaroon ng sigla si Randy at hindi nito maitatago ang excitement na makakasama siya bukas.

No comments:

Post a Comment