Thursday, April 6, 2017

Family Affairs 113 - Kasamahan ni Ian

“Sir, kumusta po?” Ang nakangiting pagbati ni Ian kay Manuel nang muli silang magkita.  Matiyagang naghintay si Manuel kay Ian nang mag text si Ian sa kanya dahil sa isang pabor na hinihingi nito.  Dahil mabait si Ian kay Manuel ay hindi na nagdalawang salita pa si Ian kay Manuel.

Nakaparada sa isang kanto ang sasakyan ni Manuel at halos magmamadaling araw na nang dumating sina Ian at ang kasama nito.  Doon din niya hinintay si Ian nang una silang nagtagpo. Ngayon ay may kasama si Ian.

“Mabuti naman.”  Ang nakangiting tugon ni Manuel.  Agad namang sumakay sina Ian at ang kasama nito sa kotse.  Nasa harapan si Ian at ang kasama nito ay sa likuran pumuwesto.

“Sir, si Eric nga pala.  Siya iyong sinasabi kong kasama ko sa trabaho.”  Ipinakilala ni Ian ang kasama at agad namang nakipagkamay ito kay Manuel.  Kahit na nakangiti ay halatang kabado si Eric. 

Halos magkasingtangkad lang sina Ian at Eric.  Mas matanda si Ian ng dalawang taon kay Eric.  Ang kanilang pangangatawan ay hindi din nagkakalayo pero mas maganda ang hubog ng katawan ni Ian.  Mas maputi si Eric kumpara kay Ian pero sadyang mas malakas ang dating ni Ian.

“Good morning po.”  Ang mabilis namang pagbati ni Eric kay Manuel.  Nang magkalapat ang kanilang mga palad ay ramdam agad ni Manuel ang panginginig ng kamay ni Eric.  Halatang kabado ang kasama ni Ian.

“Gusto nyong kumain muna?”  Ang tanong ni Manuel habang papalayo sila sa lugar kung saan nagtatrabaho ang dalawa.

“Sir, naman.  Parang hindi kami sa resto nagwowork.”  Ang natatawang sagot ni Ian.  Halos walang ipinagbago si Ian at palagay na ang loob nito kay Manuel. 

“San nga pala tayo?”  Ang tanong ni Manuel sa dalawa habang marahang tumatakbo ang minamaneho niyang kotse.  “Ok lang ba kung mag motel tayo?”

“Sir, dyahe po.  Di pa ako nakakapasok doon.”  Ang mabilis na sabat ni Eric.  Natawa naman si Ian nang lingunin nito ang kasamahan na halatang hindi mapakali sa kinauupuan nito sa likuran ng sasakyan.  Maging si Manuel ay natawa din dahil pati ang boses ni Eric ay kabado.

“Sir, pwede na diyan.”  Inginuso ni Ian ang isang madilim na bahagi ng isang maliit na kalye na kagaya din noong una niyang pagpapatikim kay Manuel.  Agad namang sumunod si Manuel at ipinasok pa ang kotse sa bandang dulo ng madilim na kalye.

Pagkapatay ng ilaw ng kotse ay hindi na nag-aksaya ng panahon si Manuel.  Nilapitan niya ang nakaupong si Eric sa back seat ng sasakyan.  Dama ni Manuel ang panginginig ng kamay ni Eric nang damhin niya ito.  Panay ang buntong hininga ni Eric na tila hindi mawari ang sarili kung ano ang gagawin niya ng mga sandaling iyon.

Tanging ang aircon lang ang gumagana sa loob ng sasakyan.  Pilit na inaaninag ni Ian ang dalawa sa likuran ng kotse sa pamamagitan ng pagsipat nito sa maliit na salamin na nasa kanyang harapan subalit hindi pa sanay ang kanyang paningin sa dilim.  Hindi pa man nag-uumpisa sina Manuel at Eric ay dama na ni Ian ang paninikip ng kanyang brief.

“Sirrrrr.”  Mahigpit ang ginawang paghawak ni Eric sa isang bisig ni Manuel kung saan ang palad nito ay nakahawak sa kanang pisngi ng binata.  Nanginig ang buong katawan ni Eric nang walang pasabi na sumayad ang mainit na bibig ni Manuel sa kanyang tenga.  Nakakakilabot ang sensasyon na dulot ng pagsayad ng bibig ni Manuel sa parteng iyon ng ulo ni Eric.

Todo liyad ang katawan ni Eric lalo na ang kanyang leeg na tila ba gusto niyang ilayo ito kay Manuel.  Hindi matapos-tapos ang pagtayo ng mga balahibo ni Eric sa kiliting ngayon lang niya natikman.  Hindi niya maintindihan ang kuryente at sensasyon na patuloy na dumadaloy sa kanyang kalamnan habang ipinagpatuloy lang ni Manuel ang paghalik at pagdila sa kanyang tenga.

Nang marinig ni Ian ang nakakalibog na ungol ni Eric ay lumingon na siya sa direksiyon ng dalawa at ngayon ay mas naaaninag na niya ang hubog ng katawan ng kanyang kaibigan at ni Manuel.  Natatawa si Ian dahil nanariwa sa kanyang alaala ang unang tikim niya ng sex sa piling ni Manuel.  At dahil matigas na ang kanyang harapan, nagpasya si Ian na tabihan si Eric.

Biglang tumahimik si Ian nang tumabi sa kanya si Eric.  Nahihiya siya sa kaibigan dahil sa nauna niyang pag-ungol at ngayon ay pilit niyang nilalabanan ang kiliti at sarap habang niroromansa ni Manuel ang kanyang leeg.  Hindi alam ni Eric kung ano ang gagawin ngayong kasama na nila si Ian at tipong pinapanood nang malapitan ang nangyayari sa kanila ni Manuel.

Habang niroromansa ni Manuel ang leeg ni Eric ay nagiging malikot ang dalawang kamay ni Manuel.  Malayang gumagapang ang dalawa niyang palad sa dibdib ni Eric habang nakaliyad ang ulo ni Eric at nakapatong sa upuan.  Paminsan-minsan ay pinipigilan ng mga kamay ni Eric ang ulo ni Manuel at gusto niyang itulak ito kapag tumitindi ang kiliting nadarama niya.  At biglang nagulantang si Eric.

Nakaramdam ng kakaibang ligaya si Manuel at sa bawat segundong lumilipas ay lalong sumisidhi ang kanyang pagnanasa na matikman ang binatang nagpapaubaya sa kanyang harapan.  Kahit na paminsan-minsan ay lumalaban ang mga kamay ni Eric dahil sa sobrang kiliti, mas lalong ginaganahan si Manuel.  Sa tipo ng mga ungol ni Eric ay alam ni Manuel na ngayon lang nakatikim ng ganitong klaseng romansa ang binata.

Lumuhod si Manuel sa upuan at pinagitnaan ng kanyang mga binti ang isang hita ni Eric.  Lalo pa niyang pinagbuti ang pagromansa sa leeg ni Eric malapit sa baba nito habang ang dalawa niyang kamay ay patuloy sa paghimas sa katawan ni Eric paakyat sa leeg hanggang sa makarating ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ni Eric.  Kahit sa dilim ay naaaninag ni Manuel ang nakapikit na mga mata ni Eric na tila ba tuluyang nagpapaubaya sa kanya.  Patuloy ang mahinang pag-ungol ni Eric dahil nahihiya ito sa kaibigan na nasa kanyang tabi.  Nasa ganitong hitsura si Eric nang walang pasabing hinalikan ni Manuel ang kanyang mga labi.

Biglang tumikom ang mga labi ni Eric.  Hindi niya inaasahan ang ganoong pangyayari.  Kahit na wala siyang nalasahan sa bibig ni Manuel ay mas lalo pa siyang kinalibutan sa ginawa nito sa kanya.  Si Manuel ang siyang naggawad kay Eric sa unang halik nito sa kanyang mga labi.

Mabilis na kumilos ang dalawang kamay ni Eric.  Parang bigla siyang nandiri sa ginagawang iyon ni Manuel.  Mariin ang paghawak ng kaliwa niyang kamay sa bisig ni Manuel at hinihila niya ito para maalis sa pagkahawak sa kanyang pisngi.  Ang isang kamay naman ni Eric ay biglang sinapo ng kamay ni Ian at bago pa nakapalag si Eric ay tumulong na rin si Ian. 

Hindi sinasadyang biglang napaungol nang malakas si Eric nang isubo ni Ian ang kanang tenga ni Eric sabay galugad ng dila nito sa loob ng tenga ni Eric.  Matindi ang pag nginig ng katawan ni Eric sa ginawang iyon ni Ian at sa pagbuka ng kanyang bibig ay hindi na siya nakaiwas sa masuyong paghalik ni Manuel.

Pakiramdam ni Eric ay nagdidiliryo siya sa sarap at kiliti sa magkatuwang na ginagawa nina Ian at Manuel sa kanya.  Para siyang nauupos na kandila at nanghihina ang kanyang katawan pero ang sensasyon na kumukuryente sa kanyang buong katawan ay tila ba walang katapusan.  Sa bawat segundong lumilipas ay nararamdaman ni Eric na nilulukuban na rin siya nang pagnanasa.

Ang kaninang maghigpit na pagkahawak ni Eric sa bisig ni Manuel at atat itong pigilin ang ginagawa ni Manuel sa kanya ay mahigpit pa rin ang pagkakapit kay Manuel.  Sa pagkakataong ito ay nararamdaman ni Manuel na tinatablan na ng libog si Eric dahil maya’t mayang pinipisil nito ang kanyang bisig.  Ang mga labi ni Eric ay gumaganti na rin sa paghalik ni Manuel at maging ang dila ni Eric ay natuto na ring makikipag-eskrimahan sa dila ni Manuel.

Nang tumahimik at hindi na halos gumagalaw si Eric ay napagtanto ni Ian na tinablan na ang kaibigan.  Mariin na rin ang pagkahawak ng kamay ni Eric sa kanyang palad at nang ipatong ni Ian ang kamay ni Eric sa kanyang harapan upang ipadama ang kanyang bukol ay hindi na tumanggi si Eric.  Maya’t maya pa ay nararamdaman na ni Ian na pinipisil na ni Eric ang kanina pa niyang naninigas na titi.

Biglang napadiin ang pagdaklot ni Eric sa harapan ni Ian nang gumapang ang dila ni Ian mula sa tenga nito patungo sa kanyang pisngi hanggang sa nararamdaman na lang ni Eric na naglalaro na ang dila ni Ian at ni Manuel sa mismong ibabaw ng kanyang labi.  Ramdam ni Eric ang pagguhit ng basa at mainit na dila ng dalawa at paminsan-minsan ay naghahalikan ang mga ito at nasasagi pa ang kanyang bibig.  Nang ilabas ni Eric ang kanyang dila ay tatlo na sila ngayong nagsalo sa sarap na sa tanang buhay ni Eric ay ngayon lang niya nalalasap.

Hindi na nakatanggi pa si Eric nang hubarin ni Manuel ang kanyang damit.  Dama nilang tatlo ang mainit na hininga ng isa’t isa habang patuloy na naglalaro ang kanilang mga labi.  Kusang nagpaubaya na si Eric sa ginawang paghubad ni Manuel sa kanya at ngayon ay hindi na siya nakaramdam ng hiya kahit na hubaran na siya at kasama ng kanyang kaibigan.  At kahit sa dilim ay kumikintab ang ulo ng titi ni Eric na naliligo na sa precum dahil sa libog na kanina pa niya pilit na nilalaban. 

Habang hinuhubaran ni Manuel si Eric ay mabilis ding naghubad si Ian.  Halatang excited din si Ian dahil matagal-tagal na rin siyang walang kasiping.  Sa tuwing maiisip niya ang pinaggagawa niya kasama si Manuel at ang huli ay ang dalawang binata ni Manuel, dinadaan na lang ni Ian sa pagbabate para mairaos ang libog na walang sawa niyang minimithing maulit.

Pagkahubo ni Ian ay siya naman ang lumuhod sa gilid ni Eric at parang uhaw silang dalawa na agad na naglapat ang kanilang mga labi.  Hindi akalain ni Eric na wala palang kasing sarap ang ipaparanas sa kanya nina Manuel at Ian at ngayon ay hindi na siya nahihiyang bumigay sa init at libog ng kanyang katawan.  Sa muling pakikipaghalikan ni Eric kay Ian ay mas mapaglaro na ngayon ang kanyang mga labi at ganoon din ang kanyang dila.

Habang hawak ng isang kamay ni Ian ang ulo ni Eric at ang isa pa niyang kamay ay sinimulang himasin ang manipis na dibdib ng kaibigan, ang kanang kamay naman ni Eric ay natuto na ring gumapang.  Mainit ang katawan ni Ian habang walang katiyakang gumagapang ang kamay ni Eric dito.  Hindi niya alam kung ano ang hinahanap ng kanyang kamay basta patuloy lang siya sa paghimas ng katawan ni Ian.  Ibang-iba pala talaga ang init ng katawan na may kasalo sa ligaya at nag-eenjoy na si Ian.  Nang masagi niya ang matigas na titi ni Ian ay hindi na nag-atubili pang hawakan at pisilin ito ni Eric.

Parang may sariling isip ang kamay ni Eric.  Kahit sa dilim ay nagawa nitong hawakan ang kabuuan ng titi ni Ian.  Sa ginagawa niyang paghimas sa titi ni Ian ay nasabi ni Eric sa sarili na hindi rin pala papahuli ang kanyang titi kumpara sa titi ni Ian.  Sinimulang paglaruan ng palad at mga daliri ni Eric ang pinakaulo ng titi ni Ian hanggang sa palibot ng korona nito pababa sa katawan hanggang sa humantong ang paglalaro ng kanyang mga daliri sa malagong bulbol ni Ian.  Maya’t maya pa ay ang laylay na bayag ni Ian ang pilit na hinihimas ni Eric hanggang sa humantong ang kanyang palad sa medyo mabilog na puwetan ni Ian.  Sa ginagawang paglalarong iyon ni Eric ay wala siyang narinig na anuman sa kaibigan.  Bagkus ay mas lalo pang pinagbubuti ni Ian ang ginagawa nitong pakikipaghalikan at sa paghimas sa dibdib ni Eric.

Nanggagalaiti na rin sa galit ang titi ni Manuel nang tuluyang nakapaghubad na rin ito.  Ang ungol ng dalawang binata ang siyang nagbigay lalo ng hindi matatawarang libog kay Manuel.  Pilit niyang tinititigan ang matamis na paghahalikan ng dalawa habang ang kanyang titi ay tila bakal na sa tigas.  Nang hindi makatiis ay lumapit na siya sa dalawa at muli ay nagsalo ang mga labi nilang tatlo sa mainit na sarap na pilit nilang pinapatagal.

Nang magsawa si Manuel sa ginagawa nilang halikan ay bumaba na ito sa manipis na dibdib ni Eric at sinimulang ipatikim kay Eric ang sarap ng kanyang romansa.  Habang patuloy ang halikan nina Eric at Ian ay dagli namang nadagdagan pa ang pag-ungol ni Eric dahil sa sarap nang ginagawa ni Manuel sa kanyang dibdib.  Panay ang himas ng kabilang kamay ni Eric sa batok ni Manuel habang lalo pa niyang idinidiin ang ulo ni Manuel sa kanyang dibdib.  Sarap na sarap si Eric lalo na kapag nilalapirot ng bibig ni Manuel ang kanyang utong.

“Ohhhhh.”  Lumakas pang lalo ang mga ungol ni Eric kasabay nang panginginig ng buo niyang katawan.  Hindi niya kayang ipaliwanag ang sarap sa ginagawang pagsubo bigla ni Manuel sa kanyang titi.  Kahit na hindi niya nakikita ang ginagawa ni Manuel ay dama ni Eric na sagarang pagsubo ang ginagawa ni Manuel.  Ang sarap sa pakiramdam na masalikupan ng mainit na bibig ang kabuuan ng kanyang titi.  At ang matindi pa noon ay walang sawang nilalaro ng dila ni Manuel ang katawan ng kanyang titi kahit na nasa loob ito ng bibig ni Manuel.

Dahil sa pagsubong iyon ni Manuel ay tuluyan nang tinakasan ng hiya si Eric.  Siya na mismo ang nagsukbit ng kanyang mga paa sa ibabaw ng likod ni Manuel habang ninamnam niya ang sarap na dulot ng mainit at magaslaw na bibig ni Manuel.  Bigla ay naagaw ng sarap nang pagsubo ni Manuel sa kanyang titi ang kaninang sarap na ipinapalasap sa kanya ni Ian sa pakikipagromansahan sa kanya.

Habang patuloy sa pakikipaghalikan kay Ian, panay ang sabunot ng isang kamay ni Eric sa buhok ni Manuel at naroong hindi niya makontrol ang paggalaw ng magkabila niyang mga hita.  Ungol lang nang ungol si Eric habang dinuduyan siya sa alapaap sa natatanging sarap na ngayon lang niya na-experience.  Panay ang kiwal ng kanyang katawan at halos hindi niya alam kung anong klaseng pihit ang gagawin para sa sarap na patuloy na rumaragasa sa buo niyang kalamnan.

“Ohhhhh.”  Isang madiing kapit sa buhok ni Manuel ang ginawa ni Eric nang tuluyang umalpas na ang kanyang libog.  Kahit na pagod sa trabaho ay masaganang katas ang pinakawalan ni Eric na siya namang nilunok ni Manuel.  Panay ang pitik ng titi ni Eric sa loob ng bibig ni Manuel kasabay ang sunod-sunod na pagbulwak ng kanyang tamod.

“Tang ina, tol, sobrang libog mo.”  Ang natatawang wika ni Ian kay Eric sabay gawad nang smack sa bibig ni Eric.  Hingal kabayo si Eric nang iluwa ni Manuel ang kanyang titi na matigas pa rin.  Natatawa si Ian dahil tuluyang bumigay na rin ang kaibigan na akala niya ay mahiyain.  Maging si Eric ay natatawa na rin sa sarili at hindi niya inakala na ganoon ang kakahinatnan nang pagsama niya kina Ian at Manuel.


No comments:

Post a Comment