Monday, July 7, 2014

Tapsilog

“Tapsilog na naman?”  Ang narinig kong sambit ng isang binatang tumabi sa aking upuan sa madalas kong bilhan ng tapsilog.

Pasado alas-dose na nang kumalam ang sikmura ko at dahil sa diet kuno ay kakaunti lang lagi ang aking kinakain.  Diet kasi taghirap ako at kasalukuyang naghahanap pa lang ng trabaho.  Diet ang aking bulsa at pati na rin ang aking sikmura.  Ang hirap maghanap ng trabaho at malamang kung hindi ako marunong magbudget ng aking pera ay matagal na akong umuwi ng probinsiya at nganga ang aabutin ko doon.

Halos dalawang beses lang ako kumakain sa isang araw.  Nakasanayan ko na ito at himala namang nakapag-adjust na ang aking sikmura.  Kadalasan ay skyflakes ang panawid gutom ko at maraming tubig at effective naman.  Pakiramdam ko ay lumiit na ang bituka ko at harinawa’y hindi ito mauuwi sa ulcer.

Balik tayo sa kuwento.  May mga kainan na malapit sa tinitirhan ko at may paborito akong kainan ng tapsilog.  Medyo tumaas na ang kanilang presyo dahil nagmahal na daw ang baka.  Mabuti pa ang baka at nagmamahal.  Samantalang ako ay hindi pa nagmamahal ulit.  Haha.  Senti.

Ayun at bigla akong napatingin sa katabi ko.  Ngingisi-ngisi pa ang mokong at hindi ko naman kilala.  Mukhang bata pa.  Medyo nakabrush-up ang buhok at kung hindi lang ito nakasando ay mapagkakamalan kong galing sa gimik.  Nang tuluyang humarap siya sa akin ay may pagkapoging nakakaloko lalo na at todo ngiti ito.  Pamatay ang ngiti at ang ganda ng mga ngipin.

“Tapsilog na naman order mo ano?”  Aba at ang lakas talaga ng loob na manita ang mokong.  Nagbaba-taas pa ang pareho niyang kilay at sa hitsura niyang pakikipag-usap sa akin ay para bang close kami.  Walang taghiyat ang loko at mukang makinis ang balat.  Hindi ko masyadong nasisipat ang iba pa niyang parte at baka mapagtripan ako lalo ng isang ito.

“Paano mo nalaman?” Kunwari ay salubong ang kilay ko para hindi na humaba ang usapan.  Iyon nga lang at sinagot ko kaya’t malamang ay hahaba talaga ang usapan namin.

“Lagi kaya kitang nakakasabay dito pero mukhang suplado ka kasi at parang walang nakikita.”  Ang lakas talaga mang-asar ng isang ito.  Nagawa pa niyang ikaway ang kamay sa harap ko na para bang nagsasabi na andyan siya at nakikita ko siya.  Pa-cute ang loko at hindi ko alam kung high ba sa katol ito.

“E di naman kita kilala.  Ang sagwa naman ata kung ang mga kumakain dito ay kinakausap ko na hindi ko naman mga kilala.”  Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito o maiinis.  Ang tagal ng order ko at nataon na marami din ang naghihintay ng kanilang mga order.

“Nico.”  Aba ang loko at nagpakilala nga.  Inabot pa ang kamay ko at nagawa pang makipagkamay ang loko.  Tatawa-tawa pa na para bang nangtitrip talaga.

“Nimo?”  Ang banat ko sa kanya.  Tumingin siya bigla sa akin at natigil ang pagngiti nito.  Nag-isip bigla ang mokong.  Inulit ko ang pangalan niya.  “Nimo?”

“Weeee.  Patawa din naman nakakatawa.”  Parang biglang naging bata ang kaharap ko at nagawa pa nitong dumila.  Natawa din siya nang makuha ang joke ko.

Napangiti ako sa inasal niya.  Tapos akala ko ay nabadtrip at bigla itong tumayo.  Kumuha pala siya ng tubig at galante ang loko.  Inilibre niya ako ng isang basong tubig.  Haha.

“Wow ang bait mo naman at nang libre ka.”  Ang pang-aasar ko sa kanya pero uminum na rin ako dahil sa tagal ng order ko.

“Haha.  Kung makalibre ka dyan akala mo wagas.”  Maloko talaga siya at marunong sumakay sa joke at hindi sa jeep.  Nakashorts na checkered at hanggang  taas ng tuhod ang suot nito.  Wala halos balahibo ang mga binti niya at mukhang malinis sa katawan dahil malinis ang mga kuko nito sa paa.

Nang dumaan ang isa sa mga tauhan ng tapsilogan ay finalow-up ko ang aking order.  Nakifolow-up din ang mokong at biniro pa na baka daw sobrang masarap na ang pagkain namin.  Haha.  Malamang ay suki na nga din ito at mukhang malakas ang loob na makipagbiruan sa mga tauhan ng kainan.

“Libre mo naman ako.”  Parang biglang nag-astang bata ito at tipong naglalambing.

“Nagtitipid nga ako tapos magpapalibre ka pa dyan.”  Balik salubong na naman ang kilay ko.  Lakas makagudtime ang isang ito. 

“Sige, libre kita ng tapsilog ko.”  Ang halos pabulong niyang sabi sa akin sabay ikot ng kanyang upuan na paharap sa akin.  Nakabuka ang kanyang mga hita at ang isa niyang paa ay tipong kinakalabit ang paa ko.

Haha.  Natawa ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya na natatawa ako.  Iba ang pakahulugan ko sa kanyang sinabi at sa hitsura niyang iyon ay tipong gusto niyang ihain sa akin ang kanyang tapsilog.  Putik na bata ito at mukhang malakas mangseduce.  Mabuti na lang at sa wakas ay dumating na rin ang order namin.

“O, bakit?”  Ang tanong ko sa kanya nang makalabas na ako ng tapsilogan.  Napansin kong nakikisabay siya sa akin.

“Wala naman.  Sasama ako sa inyo.” Seryoso ang boses niya pero nakangiti pa rin ang loko.

“Di pwede.  Wala ka bang bahay at sasama ka sa akin.”  Kinabahan ako bigla sa trip ng isang ito.

“Meron.  Ayan lang o.”  Itinuro niya sa akin ang halos ilang metrong layo ng inuuwian niya.  “Kaso nakakalungkot kumain at mag-isa lang ako.  Wala sina mama e.”

“E di dyan ka kumain sa tapsilogan para marami kang kasabay.”  Haha.  Natawa ako bigla sa banat ko.

“Uy, gumaganti.  Haha.”  Ang lakas ng tawa ng loko at binangga pa ako.  Feeling close talaga ang isang ito.  “Tara sa amin ka na lang kumain kung ayaw mo akong isama sa inyo.”

Hindi ko alam kung anong gayuma ang meron sa isang ito at napapayag niya akong sumama sa kanya.  Iilang metro nga lang ang layo ng kanilang bahay sa tapsilogan at solo nga siya dito.  Halatang hindi ito naglilinis ng bahay dahil magulo ang kanilang sala.

“Nagpapapasok ka ng kung sinu-sino.  E kung masamang tao pala ako malamang ay naholdap ka na.”  Ang sita ko sa kanya na prenteng nakaupo sa hindi kalayuan sa kinauupuan ko.  Talagang ang sweet ng loko at nagtimpla pa talaga ng juice para sa aming dalawa.

“Sus.  E kung holdaper ka, malamang ay hinoldap mo na ang tapsilogan at doon ay madaming pera.  Dito sa bahay wala kang mahihita.  Haha.”  Maloko talaga pero sa tingin ko ay marunong din itong kumilatis ng tao.  “Kuripot.”

“Bakit naman?”  Ang tanong ko sabay bukas ng styro at magsisimula na kaming kakain.

“Ayaw manlibre.”  Tumayo siya at binuksan ang electric fan.  Hindi ko rin napansin na medyo mainit pala sa kanila kapag hindi naka-on ang electric fan.

“Sus.  Wala pa nga akong trabaho.  Saka na.”  Ang pakli ko at nagsimula na akong maghalo ng kanin, itlog, at tapa sa kutsara.

“Ikaw nga itong ililibre ko, ayaw mo naman.”  Ang natatawa niyang sabi.  Napatingin ako bigla sa kanya at andoon na naman ang nakakaloko niyang ngiti.

“Anong ililibre mo sa akin maliban sa juice.”  Napapangiti na rin ako sa hitsura niya.

“Iyong tapsilog ko.”  Ang sabi niya sabay baba ng styro na kanyang hawak at inilapag ito sa center table.

“E kung kakainin ko ang tapsilog mo, malamang ay wala ka nang pagkain.”  Kunwari pa ako pero may kutob na ako sa gusto niyang mangyari.

“Tang ina.  Ang hina mo naman.”  Seryoso ang boses ng loko at tumabi ito sa akin.  Kinuha ang isa kong kamay at ipinatong ito sa kanyang harapan.  Matigas na ang kanyang harapan ng mga saglit na iyon.  Nang pisilin ko ang matigas niyang harapan ay napahawak siya sa kamay ko at parang biglang inaantok bigla ang kanyang mga mata.

-o-

“Di ba masarap ang tapsilog ko?”  Abot tenga ang ngiti ng loko.  Prenteng nakasandal ito sa sofa at tanging kulay blue na brief lang ang suot niya.  Halatang hinihingal pa siya pero masaya ang loko.

“Ewan ko sa ‘yo.”  Ang natatawa kong sagot at hindi ako makapaniwala na may nangyari sa amin.  Actually, siya lang pala ang sobrang naligayahan.  Matigas pa rin ang titi ko at basa na rin ang loob ng brief ko dahil sa dami ng aking precum.  Medyo bitin lang at mabilis na nilabasan ang loko.

“Paano yan?  Sa susunod ay sa inyo naman tayo.”  Sunod-sunod ang lagok niya ng juice at halatang nauhaw ito ng todo.

“Pag pupunta ka sa amin ay tiyak magagahasa ka doon.”  Ang pananakot ko sa kanya.

“Sus.  Akala mo naman ay matatakot ako sa banta mo.”  Kumagat siya ng isang malaking hiwa ng tapa sabay lapit sa akin. 

Itinapat nito ang kanyang bibig na may nakausling tapa at nakatingin siya sa mga mata ko.  Hinawakan ko ang kanyang batok at baka gudtime ang aabutin ko sa kanya.  Hindi siya pumalag.  Nang isubo ko ang kagat niyang tapa ay hindi siya gumagalaw.  Pagdikit ng aming mga labi ay bumuka ang kanyang bibig kasabay nang pagpapak ko ng tapa ay pinapak ko na rin ang kanyang malambot na mga labi.  Lalong nagwawala ang titi ko.


“Bitin ka ano?”  Ang lakas talaga makaloko ang isang ito.  Kinapa niya ang titi ko at natawa siya dahil parang bakal daw sa tigas.  “Sa susunod na lang ako magpaparape sa ‘yo.”

No comments:

Post a Comment