Saturday, September 6, 2014

Ligayang Unli - 36

“Si kuya Gerald nga pala, pinsan ko at kapatid ni Gary.”  Ipinakilala ni Alvin ang bagong dating sa kanilang bahay.  “Dumalaw lang siya at kinamusta ang lagay ng kapatid.”

Akala namin ay may bagong kasamahan na sina Alvin.  Late 20’s na ang pinsan niya at siya ang sumusuporta sa pag-aaral ni Gary.  Dahil malayo ang skul ni Gary mula sa inuupahan nitong bahay at saka may isyu yata sa asawa niya kaya’t minabuti niyang ipasama na lang si Gary kina Alvin dahil parehong skul naman ang pinapasukan nila.  Katulad ni Gary ay maputi din siya at slim ang katawan.  Lahi ata nina Alvin ang hindi tabain. At halos hindi din nagkakalayo ang taas nito kay Alvin.  Dumaan daw ito para ibigay ang pambayad ni Gary para sa midterm.

Dahil araw ng sabado ay kumpleto kami sa bahay at dumagdag pa sina Enrico at Bernard na mas gusto pa atang tumambay sa bahay kesa kanilang bahay.  Biglang dumami kami pero masaya at inanyayahan na namin ang pinsan ni Alvin na makisalo na rin sa tanghalian namin.  At pagkatapos kumain at maglinis ay naki-movie marathon din siya sa amin.

“Musta?”  Ang bati ni Gerald sa akin habang naglalaba ako sa labasan.  Kasama ko si JP na naglalaba noon.  Bumalik siya pagkatapos ng isang linggo.

“Mabuti naman.  Nadalaw ka?”  Ang tanong ko sa kanya.

“Walang magawa e.  Mukha atang walang tao dito?”  Sumilip siya sa bintana sa bahay nina Alvin pero may kurtina at madilim sa loob.

“Pumasok ata yong dalawa.  Si Alvin baka tulog pa.”  Ang sabi ko naman.  “Tuloy ka muna para makapagkape man lang.”

Sinamahan ko siya sa loob ng bahay.  Magkatuwang na naglilinis ng sala sina Antonio at Enrico at mukhang nakaligo na ang mga ito sa ayos nila.  Parehong basa ang buhok at ang tanging suot ay boxers lang.

“Uy, Rico, nagpaalam ka ba sa inyo?”  Tanong ko kay Enrico dahil dito siya natulog kagabi.  Actually, madalas naman siyang matulog dito.

“Oo naman.  Saka sanay na ang mga tao sa bahay kahit wala kami doon.”  Ang sagot ng lokong ito sabay tawa.  Tinigilan muna nila ang paglilinis nang makita na may bisita.

“Musta po?”  Ang bati ni Antonio sa bagong dating.  Pansamantala ko muna silang iniwan para balikan ang trabaho ko.  Dagli naman kumuha si Enrico ng maiinum habang nakipagkwentuhan si Antonio kay Gerald.

“Asan na nga pala yong isang kasama nyo pa?”  Ang tanong ni Gerald sa dalawa.  Napagitnaan nina Antonio at Enrico si Gerald sa sofa.

“Ah, si Bernard po?  Hindi namin alam kung pupunta iyon ngayon.  Gusto niyo po papuntahin namin dito?”  Ang tanong ni Enrico kay Gerald.  Nagulat si Gerald sa sinabi ni Enrico.

“Akala ko kasi dito din siya nakatira.”  Tinapik nito ang hita ni Enrico.

“Gusto nyo po manood ng movie?”  Ang tanong ni Antonio.  Nang tumango si Gerald ay nagsalang ito ng palabas at pansamantalang iniwan ang dalawa.

“Nag-aaral ka pa ba?”  Ang tanong ni Gerald kay Enrico pagkatapos silang iwanan ni Antonio.  Marahang humimas ang kanina pa niyang nakapatong na kamay sa hita ni Enrico.

“Opo, graduating na po.  Magkaklase po kami nina Alvin, JP, at Bernard.”  Hinayaan lang ni Enrico ang paghimas sa kanya ni Gerald.

“Saan nagpunta iyong kasama mo?”  Ang sunod na tanong ni Gerald habang sinisilip ang looban ng bahay.  Kasabay nito ay gumapang ang kamay niya paakyat sa harapan ni Enrico.  Nakatingin pa rin siya sa direksyon ni Antonio habang pinipisil ang ari ni Enrico.  Maya't maya pa ay tumigas na ang ari ni Enrico.  Nanginginig ang kamay ni Gerald nang isuksok niya ito sa laylayan ng boxers ni Enrico at sabay hawak sa mainit at matigas na laman ng binata.  Habang panay ang pisil niya sa tumigas na ari ni Enrico ay hindi ito mapakali at lingon nang lingon sa kinaroroonan ni Antonio.

“Ang tagal mo naman.”  Ang sabi ni Enrico kay Antonio nang papalapit na ito sa kanila.  Biglang bitaw si Gerald sa pagkahawak ng ari ni Enrico nang bumalik na si Antonio.

“Gumawa pa kaya ako ng sandwich.  Hehe.”  Inilapag ni Antonio ang dalang plato na may pagkain sa ibabaw ng stool.

“Anong palaman?’  Tanong ni Enrico sabay kuha ng isa.

“Mayo.”  Ang sagot naman ni Antonio.  Si Gerald ay walang kibo pa rin.

Biglang tumayo si Enrico at naghubo.  Nagulat si Gerald sa ginawa ni Enrico at natatawa naman si Antonio.  Pagkatapos matanggal ang boxers niya ay pinaghiwalay niya ang magkapatong na tinapay at ipinahid ang palaman nito sa matigas niyang ari.

“Wow, ayos yan a.  May palaman ng hotdog at mayo ang tinapay. Haha.”  Tumawa nang malakas si Antonio nang makita ang ginawa ni Enrico sa dala niyang merienda. 

Tumapat si Enrico kay Gerald at itinutok ang matigas niyang ari na pinahiran ng mayo sa mukha ni Gerald.  Pansamantalang nagulat si Antonio pero nakuha naman niya agad ang sitwasyon.  Hindi alam ni Gerald kung ano ang gagawin lalo na at kasama nila si Antonio.

“Ayos lang yan, kuya.  Tikman mo at masarap yan.”  Tinapik ni Antonio ang balikat ni Gerald at kinuha pa nito ang isang kamay ni Gerald at ipinahawak sa hita ni Enrico.

Wala sa hinagap ni Gerald na mangyayari ang ganitong eksena.  Lalong hindi niya inaasahan na maghuhubad sa kanyang harapan ang binatang natitipuhan niya.  Hindi niya inakala na makakakita siya ng isang malaking ari na handang ipasubo sa kanya.  At mas lalong hindi niya inaasahan na makakatikim siya ng isang pambihirang palaman.

Parang kinukuryente ang buong katawan ni Gerald dahil sa taas ng boltahe na biglang lumukob sa kanyang katawan.  Para din siyang giniginaw dahil sa hinding macontrol na panginginig na hindi niya kayang ipaliwanag.  Bumibilis ang kabog ng kanyang dibdib na animo’y tumakbo siya ng pagkalayo-layo.  At biglang uminit ang kanyang katawan na para bang sinisilaban siya.

“Ubusin nyo po ang lahat ng palaman.”  Ang pumukaw sa gunita ni Gerald nang maramdaman niya ang hawak ng kamay ni Enrico sa kanyang ulo at nang magsalita ito.  Nakita na lang niya ang sarili na nakasubsob na sa harapan ng binata at dinidilaan ang lahat ng parte ng ari nito na may palaman.  “Sige pa po, ubusin nyo.  Ang sarap ng dila nyo.  Ohhh.”

Mas lalong ginanahan si Gerald sa narinig.  Hindi niya alam kung anong klaseng pagdila pa ang gagawin para sa lahat ng sulok ng ari ni Enrico.  Pati bayag ng binata ay nadilaan na niya.  Pati singit nito ay nadaanan na rin ng dila niya.  At mas lalo pa siyang tinatakam ng dalawa dahil muling nilalagyan ni Antonio ng palaman ang ari ni Enrico.

Humiga sa sofa si Enrico.  Bumukaka siya ng maige para bigyang laya ang uhaw na dila at bibig ni Gerald.  Walang sinayang na sandali si Gerald sa pambihirang pagkakataon na ngayon lang niya matitikman.  Muli niyang pinagsawa ang sarili sa paghimod ng kabuuan ng ari ni Enrico habang ang isa naman ay panay ang ungol at nag-eenjoy sa kanyang ginagawa.  Hindi magkakanugaga si Gerald sa pagsubo sa ari ni Enrico na halos mabulunan na siya.  Pilit niyang ginagatasan ang ari ng binata sa abot ng kanyang makakaya.  Todo himas naman si Enrico sa ulo ni Gerald habang nagpapakasasa din ito sa sarap.  Panay ang ungol niya na para bang ngayon lang siya nakatikim ng kakaibang sarap sa pagsubo ng kanyang ari.

Malikot ang dalawang kamay ni Gerald.  Naroong himasin niya ang magkabilang hita ni Enrico tapos paglalaruan ang bayag nito.  Pagkatapos ay aakyat ang paghimas niya hanggang dibdib ng binata at bababa sa tiyan nito at sapuin ang matigas nitong ari.  Pagkasapo ng ari ni Enrico ay hihimasin niya at pagsasawaan ng tingin at muling isusubo.

“Malapit na akong labasan.”  Ang mahinang sabi ni Enrico.  Sinasalubong na ng katawan nito ang bawat pagsubo ni Gerald. 

Sinapo ni Gerald ang puwetan ni Enrico at ipinatong ang magkabilang hita nito sa kanyang mga bisig habang walang patid ang kanyang pagsubo.  Napasabunot si Enrico sa buhok ni Gerald at pilit na sinasagad ang kabuuan ng kanyang ari sa loob ng bibig ni Gerald.  Kahit na maluha-luha sa pagsubo ay tuloy lang si Gerald at inaabangan ng kanyang bibig ang murang katas ng binata.  Nang muling umungol si Enrico ay sumirit na sa loob ng bibig ni Gerald ang inaasam nitong katas mula sa binata.  Pilit niyang nilulon lahat ang bawat patak na inilalabas ng ari ni Enrico.  At kahit na ubos na ang katas ni Enrico ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagsubo nito hanggang sa awatin na siya ng binata.

“Masarap po ba ang palaman?”  Ang nakangiting tanong ni Antonio nang mag-ayos ng sarili si Gerald.  Bigla siyang inuhaw at dagling naubos ang inuming bigay sa kanya ni Enrico kanina.  Nangiti lang si Gerald pero ang saya sa kanyang mukha ay hindi niya maitago.


“Dito na kayo mananghalian at pupunta daw si Bernard.”  Ang natatawang sabi ni Enrico pagkabalik niya sa sala pagkatapos na makapaglinis ng katawan.

No comments:

Post a Comment