Monday, March 3, 2014

Budz

Pasado alas-onse na ng gabi.  Lagpas sampung minuto na siguro akong nakatayo sa paradahan ng tricycle.  Nagkakandahaba na ang leeg ko sa kasisipat sa mga nakapilang tricycle at sa bawat dumadaan na mga tricyle.  Ilang nakapilang tricycle na ang umalis at sa bawat nauuna sa pilahan ay inaalok akong sumakay.  Pero heto at matiyagang nag-aabang pa rin ako sa suki ko.  First time ata niyang wala sa pila.  Napasandal ako sa konkretong dingding at medyo napapikit na.  Naramdaman kong may tumabi sa akin.  Hinayupak na Budz, ginaya pa ang ginawa kong pagsandal at impit ang tawa.

“Tagal mo ata?” Medyo unting asar ang tono ko.

“Tara na!” Ang aya ni Budz.

“Asan trike mo?”  Hinahagilap pa rin ng mga mata ang tricycle ni Budz.

“Angkas na.”  Anyaya niya.

Napakunot noo ako nang makitang motor ang dala. 

“Asan ang trike mo?” Tanong ko ulit.

“Wag mo nang hanapin ang wala, ang importante nandito ako.” Putragis na banat, sarap dagukan sa likod ni Budz.  Ang nakakaasar pa ay abot tenga ang ngiti nito.

“De pedal ba ang motor mo at ayaw umandar?”  Nakaangkas na ako sa kanya at gumanti na rin nang pang-aasar.

“Humawak ka na kasi at baka mahulog ka.” Sita sa akin ni Budz.

“Eto nga o, kanina pa nakahawak dito sa tagiliran ng motor.”

“Tang inang hawak yan.  Dito ka kumapit sa tagiliran ko o di kaya’y sa balikat ko.”  Lumakas ang boses ng gago.  Napatingin tuloy ang ilang mga tambay at tricycle driver.

“Sige na, takbo na, bilis!” Ang pang-aasar ko sa kanya.

Bigla niyang inistart ang motor at pinaharurot.  Ang lakas ng kapit ko sa magkabilang gilid ng motor.

“Gago ka ba!” Ang sigaw ko sa kanya.

“Ano?!” Sigaw niya pabalik habang matulin ang takbo ng motor.  Halos solo naming binabaybay ang kahabaan ng kalye.

“Wala! Ang pogi mo kaso bingi ka!”  Haha.  Para kaming mga ewan na nagsisigawan.

Nagmenor si Budz.

“Ano sabi mo uli?” Mahina na ang boses nya.

“Sabi ko ampogi mo kaso bingi ka.”  Sabay tawa.

“Gago.”  Ganti niya sa akin.

Umayos ako ng upo.  Dumikit ako sa kanya at ang kanang kamay ko ay nakahawak sa balikat niya.  Sa pagdikit ng katawan ko kanya ay naamoy ko na bagong ligo si Budz.

“Ang arte mo, kakapit din pala sa balikat.”  Tawa ng tawa si gago.

“Kunwari ka pang papahawak sa balikat o sa tagiliran, e gusto mo lang naman maamoy na bagong ligo ka.” Idinikit ko pa lalo ang katawan ko sabay buga ng hininga sa kanyang batok.

Gumewang ang motor.

“Gago wag ka ganyan, maaaksidente tayo.” Nagulat din si Budz.

“Tinigasan ka ba?” Ang pang-aasar ko sa kanya.

“Gago, di ako bakla!  Hawakan mo pa at tulog ang junior ko.”  Naging defensive bigla si gago.

“Sabi ko, tinigasan mo ata ang pagkabig sa motor kaya gumewang tayo.”

“Tado ka talaga kahit kelan.”  Haha. Apektado ang loko.

“Pero ang bango mo, bagong ligo.  Sarap mo siguro romansahin. Hehe.”  Ang pangbubuska ko lalo sa kanya.

“Kaya mo?” Gumaganti si loko.

Dinikit ko ang ilong at bibig ko sa kanyang batok.  Nanginig ang katawan ni Budz.

“Tang ina, Nathan! Gago ka. Haha.” At pinaharurot ulit ni Budz ang motor



Sa terminal ng tricycle una kaming nagkita ni Budz.  Madalas ay siya ang nasasakyan ko tuwing alas-onse ng gabi.  Dahil sa kaunti na lang ang mga pasahero pag ganitong oras ay kaunti na rin ang mga tricycle driver na nagtitiyagang pumila.  Pagpatak ng alas-dyes ng gabi hanggang alas-dose ay puro special trip na ang pasada. 

“Sir, ok lang po ba na suki na tayo?”  Ang tanong niya sa akin nang medyo nakakakwentuhan na kami ng kaunti.

“Sige, ok lang.”

“Salamat po, sir.  Aabangan ko na lang kayo tuwing alas-onse.”  Ang masigla niyang wika.

“Mukhang marami kang pinapakain a?” Ang biro ko sa kanya.

“Naku, bata pa po ako sir. Hehe.”  Depensa niya.  “Nag-iipon lang para makapag-aral ulit.”

“Kung maka sir ka dyan, akala mo sobrang tanda ko sa ‘yo.”  Doon na nagsimula ang pagkukulitan namin.

Siya si Budz, 20 yrs old at kumukuha ng kursong Criminology.  Bunso sa tatlong magkakapatid at pursigidong makatapos ng pag-aaral.  Palibhasa’y ang ate at ang kuya niya ay maagang nagsipag-asawa, nawalan na nang gana ang mga magulang niyang pag-aralin siya.  Sayang daw ang pera at mag-aasawa din siya katulad ng mga kapatid niya.  Nasubukan na niyang magpalipat-lipat na maging crew sa mga fast food chains para matustusan ang kanyang pag-aaral.  Sa kanyang edad na 20 ay nakatapos na siya ng 2 yrs sa kanyang kurso at pansamantalang huminto at nag-iipon para sa susunod na pasukan.  Pagdating ng alas-syete ng gabi hanggang alas-dose nang madaling araw ay siya na ang nagpapasada ng kanilang tricycle.

Matangkad si Budz, 5’10” ang height at katamtaman ang pangangatawan.  May kaunting umbok ang dibdib at hindi naman matatawag na maskulado.  Maaliwalas ang mukha at palaging nakangiti.  Magalang at palabiro din.  Siguro dahil sa magaling makisama ay napalagay din ang loob ko sa kanya sa tagal ng panahon na sinasakay niya ako sa tricycle.  Pag nag grocery ako ay siya na ang sumusundo sa akin at tinutulungan din niya ako sa pagsalansan ng mga ito.  Hanggang sa tuluyang maging tropa na kami.  Minsan hindi na siya nagpapabayad pero dahil sa kailangan niya ng pera ay wala naman siyang karapatang tumanggi.  Pero may mga pagkakataon na libre din ang sakay ko lalo na pag gipit din.

“Ok itong room mo a, walang istorbo at malinis.” Wika ni Budz ng minsang nakapasok siya sa kuwarto na inuupahan ko. “Bat hindi ka kumuha ng ka-share para di masyadong magastos?”

“Mas ok na tong solo at least walang hassle.  Saka makalat ako sa gamit at matagal ako sa cr.”

“Haha. Pano panay ang bate mo kaya ang tagal mo sa cr.”  Panunukso niya.

“Tado.  Solo ko tong lugar kaya kahit saan dito pwede ako magbate at hindi sa loob ng cr lang. Hehe.”

Pag week end, madalas siyang tumambay sa kuwarto ko.  Mapagkatiwalaan din naman si Budz at hindi malikot ang kamay.  Dahil sa alam ko din naman ang bahay nila kaya naging kampante din ako sa kanya.  Madalas ay tinutulungan niya akong maglinis ng kuwarto habang naglalaba ako tapos ay libre tanghalian at hapunan siya.  At pag hinahanap siya, alam na ng mga magulang at kapatid niya kung saan siya pupuntahan.


“Ano ang nangyari sa tricycle nyo?” Tanong ko nang makapasok na kami sa kuwarto.

“May naputol na piyesa kanina nang madaan ako sa lubak malapit sa palengke.  Ayun, disgrasya ang pasada ko.  Bukas pa maaayos yon kasi sarado na ang bilihan ng piyesa.”  Diretso dapa si Budz sa kama sabay on ng tv.

“Yon lang. Buti na lang pala at sinundo mo ko.”

“Siyempre, ikaw pa.  Alam ko namang maghihintay ka kaya nanghiram muna ko ng motor para masundo kita.”  Naks ang sweet ni Budz.

“Teka lang…” Lumapit ako sa kanya.  Para siyang tanga na nangingisay sa katatawa na walang sound.  Napangiti na lang ako at mukhang na gudtime ako ng gago.

“Ang tagal kitang minatyagan kanina, inalam ko lang kung sasakay ka nga ng ibang tricycle.  Naawa nga ako sa ‘yo kanina dahil mukhang pagod at antok ka na. Haha.”  Ang mokong ang lakas ng trip.  “Ayun, napatunayan ko na loyal ka pala talaga sa akin. Hehe.”

Kinuha ko ang mga unan at tinabon ko kay Budz sabay dagan dito.  Kahit dito man lang ay makaganti ako. Haha

Pumapalag sa ilalim ng unan si Budz.  Palibhasay mas malakas siya sa akin at kagyat din akong naitaob niya sa kama.  Para kaming mga paslit na nagpapambuno gamit ang mga unan.

“Hatsingggggg.”  Nakalamukos ang mukha ni Budz na may halong nginig pa.  “Nathan, maligo ka muna ang baho mo na. Haha.”

“Tragis, ikaw na tong nakikiamoy, kaw pa may ganang magreklamo. Haha.”  At dinaganan ko ulit siya.  Puro tawa lang si mokong habang pinapabayaan akong kabayuhin ang unan sa ibabaw niya.

“Gara ng brief mo a.” Puna ni Budz nang maghubad na ako para maligo.  Suot ko ay ang black brief ng Bench na may sulat na Bench sa bandang hips nito.  Umayos siya ng upo sa gilid ng kama at matamang inusyuso ang brief ko.

“Trip mo ba tong brief?” Humarap ako sa kanya na parang minomodel ito.

“Sana kaso lang suot mo at amoy kulob na yan. Haha.”  Ang lutong ng tawa niya.

“Eto kung makapanlait kala mo hindi nakukuluban ng brief.”  Natatawa din ako sa inasta niya.

Binuksan ko ang drawer ng lagayan ko ng damit at inabot ko sa kanya ang isang nakaplastic pang brief na gaya ng suot ko.  Nagulat si loko.

“Seryoso ka?  Akin na to?”  Laking tuwa ni gago nang abutan ko ng katulad ng suot ko na brief.  “Walang bawian ha?! Hehe.”

Dali-daling hinubad ni Budz ang kanyang basketball shorts pati na rin ang kanyang white brief.  Para siyang bata na sobrang nagalak at gustong subukin agad ang bagong brief na inabot ko.

“Brief ba to?”  Dinampot ko ang kanyang brief  sabay sipat sa liwanag ng ilaw.  “E pwede na itong pang-ulam a. Haha.”

“Haha.  At least may baon akong bacon lagi.”  Hindi na pinansin ni Budz ang lumang brief niyang ala bacon na ang garter.  Panay ang sipat niya sa sarili sa harap ng salamin habang ninanamnam ang fit ng bagong brief. “Ang ganda, masarap sa bayag. Haha.”

Nang magsawa ay hinubad na niya ito.  Nakatungo ang tulog niyang ari at medyo may katabaan.  Sa paghiwalay ng brief sa kanyang katawan ay may napansin ako dahil sa tama ng ilaw. Nilapitan ko sya.

“Ano yan?”  Patay mali akong hinawakan ang ulo ng kanyang ari at pinisil ito.  May malagkit na likido na siyang dumikit kanina sa itim na brief.  “Haha. Ang libog mo, kunwari ka pa!”

Pinitik ko ang ulo ng kanyang ari.

“Aray ko, ang sakit non ha?!”  Seryoso ang mukha niyang biglang namula.  Sapo ng dalawa niyang kamay ang kabuuan ng kanyang ari.  Mataman siyang nakatitig sa akin.

Bigla akong kinabahan.  Baka suntukin ako nito.  Nilapitan ko siya para amuin.

“Sorry na, nabigla lang sa sobrang galak. Hehe.”  Niyakap ko sya habang nakatakip pa rin ang dalawa niyang kamay sa kanyang ari.

“Ang sakit kaya.”  Seryoso talaga ang boses ni Budz pero di naman pumalag ng yakapin ko.

Dumistansya ako konti at inabot ang dalawa niyang kamay.  Nadampian nang hawak ko ang laylay niyang bayag.  Bigla niyang inalis ang dalawa niyang kamay sa kanyang ari sabay yakap sa akin ng mahigpit.  Tang inang tite yan.  Kahit matagal na kaming magkaibigan ay ngayon ko pa lang nahawakan at nakita ito ng ganito kalaki.  Nasapo ng dalawa kong kamay ang tirik niyang ari habang pilit niyang idinidikit ang kanyang katawan sa akin at patuloy niyang niyayakap ako ng mahigpit.

“O, ano? Ano ka ngayon? Ha?!”  Parang naghahamon siya pero ang mukha niya ay natatawa.

“Walang holdapan nang harapan. Haha.”  Ang tangi kong nasambit sa pagkabigla.  “Ang init ng titi mo. Haha. Malibog.”

Hinubad ni Budz ang suot kong brief at umalagwa ang aking ari.  Tinablan na rin ako.  Mas mataba at mas mahaba ang ari niya pero magkasing init lang kami.  Nakatirik paitaas ang kapwa naming ari habang patuloy na magkadikit ang aming katawan at minamasdan namin ang pagkiskis ng aming mga ari sa isat isa.  Ang init.  Panay buntong-hininga lang kami.  Nang tingnan ko si Budz ay nakatingin din pala siya sa akin.  Kinabig niya ang batok ko palapit sa kanya at nagdikit ang aming mga labi. 

“Lasang kape.” Ang bulong ni Budz.  Haha.  Malamang lasang kape talaga dahil ang hilig kong ngumuya ng XO coffee candy.  Nagtawanan kaming dalawa.

“Ligo muna ko at nanlalagkit na ko, tapos dinagdagan mo pa. Haha.”  Pareho nang malagkit ang puson namin.

Tuluyan nang hinubad ni Budz ang kanyang sando at bumalik sa pagkadapa sa kama.  Naligo naman ako para mawala ang amoy kalsada at panlalagkit ko.  Pagkalabas ko ng banyo ay nakadapa pa rin siyang nanonood ng tv.  Dinaganan ko sya at hindi naman umapela. Kapagkadaka’y bumalikwas si Budz at muling naglapat ang aming mga labi. 

“Bakit ka nakapikit?”  Tanong ko kanya habang magkayakap kami at maya’t maya ay naghahalikan.

“Ayokong tingnan ka.”  Ang mabilis niyang sagot.

“Bakit?” Napakunot noo ako.

“Kasi naduduling ako habang kahalikan ka. Haha.” Yon yon o. Haha. Oo nga naman.

“Paano tayo pagkatapos nito?” Usisa ko muli sa kanya.

“Anong paano?”  Nakapatong siya sa akin.

“Baka may magbago pagkatapos nito?” Matiim ang tingin ko sa kanya.

“Bakit kailangan may magbago?” Kinakagat niya ang baba ko.  “Pwede namang pagandahin natin ang kung anong meron tayo kesa magbago tayo.”

“Susunduin mo pa rin ako.”

“Gusto mo, susundutin din kita.  Haha.”

“Tado! Ikaw muna bago ako. Haha.”

Tumunog ang cellphone ni Budz.

“Soli ko muna ang motor at babalik agad ako. Dito ako matutulog. Hehe.”  Mabilis pa sa MRT na humarurot si Budz at wala pang 10 minutes ay nakabalik na agad.

Sa ngayon ay sinusundo pa rin ako ni Budz sa terminal ng tricycle.  Special trip pa rin ang sakay ko sa kanya at nagbabayad pa rin naman ako ng pamasahe.  Gaya nang nakagawian niya ay madalas pa rin siyang tumambay at natutulog sa kuwarto ko.  Tama nga siya, walang nagbago sa pakikitungo namin sa isa’t isa.  Mas lalo pang napaganda.

-end-

No comments:

Post a Comment