Monday, March 17, 2014

Hector

Kaklase ko noong college si Hector.  Isa siya sa mga madali kong nakagaanan nang loob.  Actually, friendly naman siyang tao dahil palangiti at palabati naman ito.  Pero napapansin ko lang na kakaunti at pili lang talaga ang mga nakakasama niya sa campus.

Mas matangkad lang nang kaunti sa akin si Hector.  Pareho kaming slim pero hindi mo rin matatawag na patpatin.  Siya ang tipong easy-go-lucky sa unang tingin.  Palaging isang maliit na notebook lang ang dala at hindi ko siya nakitang nagbubuklat ng libro.  Pero pagdating ng exams, isa siya sa mga nangunguna sa klase lalo na sa Math.  Simpleng malupit kung baga.

Dahil sa wala namang uniform sa skul, civilian clothes kami all the time.  Pwede ngang pumasok na naka-shorts lang pero dapat disente ang dating para papasukin ng guard.  Paboritong isuot ni Hector ang kanyang topsider o sneakers na laging binabagayan ng kanyang maong pants.  Hindi siya mahilig sa mga loose na shirts kaya't madalas ay tamang-tama lang ang suot niyang damit sa kanyang katawan, iyong hindi naman hapit.  Ang kanyang buhok ay laging naka-gel at kahit na humangin nang malakas ay nasa ayos pa rin.  Iyon nga lang at maya't maya ay titingnan nito ang kanyang buhok sa salamin na akala niya'y nawawala sa puwesto.  At ang kanyang mukha, kahit na manipis lang ito, ay parang nakapowder lagi sa kinis at katamtamang kaputian nito.

Dahil sa magkaklase kami sa maraming subjects, pag nasa skul ay madalas kaming magkakasama.  Kadalasan ay maraming babae ang umaaligid sa kanya dahil sa angkin niyang kagwapuhan at katalinuhan.  Madalas nagpapaturo sila sa kanila at natatawa na lang ako kung wala siya mood dahil sa akin niya ipinapasa ang mga ito kung minsan.

Nagulat ako nang minsan ay naisipan niyang sumama sa tinutuluyan kong bahay.  Wala daw siyang magawa at gusto muna niyang gumala.  Biniro ko siyang sumama sa isa naming kaklaseng babae na may kaya dahil madalas niya itong anyayahan si Hector para gumimik pero panay tanggi naman itong isa.  In short, kahit na maliit at mainit sa tinitirhan kong bahay ay wala naman siyang angal.

One time, ako naman ang dinala niya sa bahay nila.  Sa kilos at galaw ni Hector ay halata namang may kaya sila kaya't hindi na ako nagulat nang makita ko ang bahay nila.  Birthday pala niya at may munti silang salu-salo.  Medyo nakakaasiwa lang dahil ako lang ang bisita nila.  Maraming handa at masayang kausap naman ang mga magulang at kapatid ni Hector.  Kahit papaano ay hindi naman ako na-out-of-place.

Simula noon, lagi na niya akong sinasama sa kanila.  Pasado daw akong kaibigan sa mga magulang niya kaya walang problema sa kanila kung ako ang kasama ni Hector at kung tumambay man kami sa kanila.  Lalong napapadalas ang punta ko sa kanila nang dumating na ang mga major subjects namin kung saan kadalasan ay magkasama kami sa grupo.

Isang gabi, mag-oovernight ako sa kanila dahil may hinahapit kaming project.  Iyong ibang mga ka-grupo namin ay medyo walang maitulong at asa lang sa aming dalawa.  At kahit na may usapang mag-overnight, marami silang excuses hanggang sa kaming dalawa na lang ang gumagawa ng project namin.

Nakasandal ako sa gilid ng kama niya habang nagcocross reference sa mga libro na gagamitin namin sa project.  Dahil sa busy ako sa ginagawa ko, hindi ko namalayan na matagal palang nawala sa room si Hector.  Pagbalik niya sa room ay nakatapis na ito ng tuwalya.  Bagong ligo ang loko at amoy ko pa ang sabon na ginamit nito.

Sa pagpasok niya sa kuwarto ay hindi ko na siya tinapunan ng tingin.  Tuloy lang ako sa ginagawa ko.  As usual, diretso na naman siya sa salamin at panay ang ayos niya ng kanyang buhok.  Vain talaga ang taong ito pagdating sa kanyang buhok.  Maya't maya pa'y nalaglag sa sahig ang tuwalyang nakapulupot sa kanyang katawan.  Umangat ang tingin ko papunta sa direksyon niya pero parang bale wala lang sa kanya.  Tuloy lang siya sa pag ayos sa kanyang sarili.  Kitang-kita ko ang kahubhan niya at sa ayos niyang iyon ay wala akong naaninag na buhok sa kanyang katawan.  Napahanga ako sa kinis ng kanyang katawan hanggang sa mapadako ang paningin ko sa salamin.

Manipis ang mga buhok na tumutubo sa harapan ni Hector.  Animo'y ngayon pa lang siya nagbibinata.  Samantalang sa akin, high school pa lang ay malago na.  Laylay ang kanyang bayag at medyo nakaurong pa ang kanyang ari.  Maliit ang kanyang ari nang makita ko dahil sa tulog pa ito.  Bigla ko na lang binawi ang tingin ko nang makita ko siyang napatingin sa akin.  Bumalik ako sa aking ginagawa samantalang tuloy lang din siya sa kanyang ritual.  Paminsan-minsan ay palakad-lakad siya sa loob ng kuwarto na nakahubo pa rin.  At nang tumabi na siya sa akin para tumulong ay nakaboxer shorts na siya at naka puting sando.

Marami-rami na rin kaming natapos nang gabing iyon at nang ramdam na niya na hindi na niya kayang ituloy pa ang ginagawa namin, nag aya na si Hector na matulog.  Katulad nang dati, magkatabi ulit kami sa kama niya.

Dahil na rin sa pagod ay madali akong naidlip.  Nagising na lang ako nang hindi ako makatagilid.  May nakadagan sa hita ko at may nakayakap sa akin.  Pagdilat ng mga mata ko ay nakita kong mahimbing na rin ang tulog ni Hector at nasubsob ang mukha sa tagiliran ko.  Natawa na lang ako sa ayos niya, para siyang batang giniginaw.  Sabagay, malamig ang kuwarto niya dahil may aircon.  Pero first time itong nangyari na yumakap siya sa akin sa pagtulog.


Marahan akong pumihit patagilid para hindi magising si Hector.  Nakaharap na ako ngayon sa kanya.  Inalalayan ko ang ulo niya para ipatong sa unan pero sa ginawa kong iyon ay marahil nagising siya at ramdam ko ang lalong paghigpit nang yakap niya sa akin.  Napabuntong hininga ako sa ginawa niya at bigla kong naramdaman na lumuwag ang pagkayakap niya sa akin at pumihit ang katawan niya patalikod sa akin.  Hindi ko alam kung talagang nagising siya o natural reaction lang iyon nang kanyang tulog na diwa na pumihit nang puwesto.


Pinakiramdaman ko siya at mukhang mahimbing nga ang pagkatulog.  Naawa naman ako kasi kahit na merong kumot gininaw siguro siya kayat nagsumiksik sa aking tabi.  Ayaw ko namang pakialaman ang setting ng aircon nila.  Ang ginawa ko ay lumapit ako sa kanya at ako naman ang yumakap sa kanya.  Ilang saglit lang na pagkayakap ko sa kanya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.  Gising si Hector.


Medyo matagal din kami sa ganoong puwesto at sa akin ay balewala lang iyon.  Hindi naman ako nakaramdam nang kung anong libog sa kanya.  Hinayaan ko na lang na maging ganoon ang pagtulog namin hanggang sa mawalan ulit ako nang ulirat.  


Hindi ko matanto kung gaano na katagal akong naidlip.  Nang maalimpungatan ulit ako para magbago ng puwesto sa pagtulog ay nakayakap na rin sa akin si Hector.  Halos magkatapat na rin ang aming mga mukha at ramdam ko ang init ng kanyang paghinga.  Ang isang hita niya ay nakaipit sa pagitan ng dalawa kong hita.


Sa gitna nang karimlan ay pilit kong inaaninag ang mukha niya.  Tinatanya ko kung gising ba siya o tulog ulit.  Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.  Tumigil ang kanyang paghinga.  Lumapit pang lalo ang kanyang katawan sa akin at mas lalong humigpit ang kanyang yakap.  At ramdam ko ang mas lalong mainit niyang hininga na sobrang lapit na sa aking mukha.  Sa hindi inaasahang pangyayari, lumapat ang kanyang labi sa aking labi.  Hindi ko alam kung papaano ang gagawin ko kaya't nagpaubaya na lang ako at kapagkadaka'y gumanti na rin.  At naramdaman kong unti-unti na ring tumigas ang aking pagkalalake.


Dahil na rin sa antok, napagpasyahan naming matulog na lang uli.  Pero ngayon malaya na kaming nakayakap sa isa't isa.  Nauna siyang gumising kinabukasan at isang halik sa pisngi ang gumising sa akin.  Napabalikwas ako sa higaan dahil may pasok pa kami.


Ang nangyari nang gabing iyon ang siyang nagpatibay pa lalo ng aming samahan.  Kahit na hindi namin pinag-usapan kung ano ang magiging set-up namin, mas lalo kaming naging komportable sa isa't-isa.  Nagiging mas malaya at liberated kami sa kung ano ang meron sa amin pero hindi kami dumating sa punto na nagtalik.  Siguro ay kapwa hindi pa kami handa at marami pang mga tanong ang hindi pa namin kayang sagutin ng mga panahong iyon.


Pagkatapos ng graduation ay napalayo na kami sa isa't-isa.  Dahil sa murang edad at hindi malinaw na relasyon, hindi naman naging masakit ang aming paghihiwalay.  Pagkatapos ng ilang taong wala kaming communication ay muling nag krus ang landas namin.  Halos wala pa ring ipinagbago ang hitsura ni Hector at ganoon din ang kanyang pakikitungo sa akin.  At isang imbitasyon na galing kay Hector ang hindi ko mahindian.  Kinuha niya akong ninong ng kanyang panganay na anak. Hehe.  


Pare pa kiss. :)

No comments:

Post a Comment