Monday, February 3, 2014

The Boyfriend

Byaheng Bicol ako noon.  Naimbitahan ako ng kaibigan kong bumisita kahit ilang araw lang.  Dahil sa bakasyon naman at wala pa naman akong plano kung saan pupunta, nagpaunlak na rin ako.  First time kong pumunta ng Bicol at excited ako.



Sumakay ako ng bus sa Araneta Center sa Cubao at last trip ang kinuha ko.  Dahil sa bakasyon, madaming mga pasahero ang nag-uunahan na makasakay at hindi naman nagtagal ay napuno ang bus.  Iilang upuan na lang ang bakante ng may sumakay na isang pares.  Nag-uusap pa ang dalawa kung saan uupo dahil tiyak na magkakahiwalay sila ng upuan.  Ang babae ang unang umupo sa bandang unahan at ang lalake ay namimili ng upuan sa bandang likuran.  Dahil sa bakante ang katabi kong upuan sa tabi ng bintana, dito pinili ng lalake na umupo.



Habang papalapit ang lalake sa aking kinauupuan ay mas lalo ko siyang napagmasdang mabuti.  Matangkad siya, tantiya ko'y mga 5'10".  Sakto lang ang pangangatawan, hindi naman patpatin.  Maputi siya at medyo mabalahibo ang binti.  Ang suot niyang board shorts na kulay puti at may iba't ibang kulay at disensyo ng abstract ay nagcomplement ng kanyang kulay.  Ang semi-fit niyang damit ay nagpamalas ng katamtaman niyang pangangatawan at wala itong umbok sa tiyan.  Nakasuot siya ng bonnet kaya't hindi ko alam kung ano ang hitsura ng buhok niya.  Maaaliwas ang kanyang mukha at may dimple siya sa kanang pisngi.  Medyo mailap ang kanyang mga mata at sandali lang ito nakipagtitigan sa akin.  At nang dumaan siya sa harap ko, nasamyo ko ang tapang ng kanyang pabango.



Habang nakaupo siya ay panay ang text niya.  Malamang nagtitext silang magsyota.  Pinakiramdaman ko lang siya at walang isa man sa amin ang nagsimula ng usapan.  Total strangers kumbaga at walang imikan.  Hanggang sa lumarga ang bus ay tahimik lang kami pareho.



Dahil sa mahaba ang byahe patungong Bicol ay sinabihan ako ng kaibigan ko na sumakay ng last trip para naman pagdating ko sa kanila ay umaga na at para hindi ako mawala.  Isa pang dahilan ay para makatulog ako habang sa daan para naman pagdating ko sa kanila ay nakapagpahinga na ako kahit papaano.  Hindi ko na rin namalayan ang oras at ng dumilim na at pinatay na ang ilaw sa loob ng bus ay nagsimula na ring pumikit ang aking mga mata.



Mahaba na rin siguro ang takbo ng bus ng tuluyan na akong nakatulog.  Kahit na ang bilin sa akin ng mga nakakatanda ay huwag matutulog kapag nasa byahe, hindi ko maiwasan na pumikit dahil bumigay na ang aking mga mata.  Nasa kasarapan na ako ng tulog ng maalimpungatan ako.  Iba talaga ang pakiramdam pag wala ka sa bahay mo.  Parang namamahay baga.  Pero ang ikinagulat ko ay nakahilig na pala sa balikat ko ang katabi ko.  Kaya pala medyo mabigat ang pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang kanang balikat ko.  Gusto ko sanang mag-iba ng puwesto ng upo subalit naisip kong magigising ang katabi ko kaya't hinayaan ko na lang siyang humilig.  Sa suwabe ng takbo ng sasakyan ay malamang parang dinuduyan na rin siya.



Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nag-iisip at paminsan-minsan ay nakatingin sa katabi ko.  Meron pang pagkakataon na medyo nahuhulog na ang ulo niya sa balikat ko pero nagkusa pa rin akong ibalik ito sa pagkasandal.  Hindi ko naman binigyan ng malisya ang pagkasandal niya sa akin.  Sadyang hinintay ko lang ang pagkakataon na magising siya at mag-iba ng puwesto.  At bigla nga siyang nagising.



Pupungas-pungas pa siya at kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata ay tumingin siya sa akin.  Nginitian ko lang siya sabay bago ng puwesto ko sa pagka-upo.  Kinuha ko ang bag kong dala at ginamit ko ito para yakapin.  Tinablan na rin ako ng lamig ng aircon at malas naman na wala akong dalang jacket o malong man lang. 



"Sorry ha?"  Ang biglang kong narinig mula sa katabi ko.



Tiningnan ko siya at nagtataka ako kung bakit siya nagsosorry.



"Pasensiya na kung ginawa kong unan ang balikat mo.  Hindi ko na kasi talaga mapigilan ang antok.  Medyo masakit kasi ang tama ng salamin sa ulo pag dito ako nakabaling."  Sabay turo niya sa salamin ng sasakyan.



Natawa naman ako sa reaksiyon niya.  Para siyang isang guilty na bata na panay ang paliwanag.



"Ok lang."  Sabi ko.  Nilagay ko ang bag malapit sa arm rest at nakadikit sa aking dibdib.  "Pwede mong gamiting unan at walang bayad."



Dahil sa tinuran ko ay nangiti na rin siya.



"Nico here." Pakilala niya sabay abot ng kanang kamay niya.



"Nathan." Ang maigsi kong tugon sabay kamay na rin sa kanya.



Kapagkuwa'y humikab siya at bumalik sa pagkahilig sa akin.  Nabigla man ako sa inasal niya ay hindi na ako kumibo.  Sa ganyang ginawi, akala mo'y magkabarkada na kami.



"Sasamahan ko ang girlfriend ko na magbakasyon sa Albay.  Ikaw, saan ang punta mo?"  Tanong niya sa akin habang nakapikit at kuntento sa pagkahilig.



"A ganon ba? Punta akong Sorsogon.  Inimbitahan kasi ako ng kaibigan ko na gumala doon."  Sagot ko sa kanya.



Madami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa dalawin ulit kami ng antok.  Dahil sa pagkahilig niya sa aking balikat ay kusa na rin akong sumandal sa ulo niya.  Kapagdaka'y kinuha niya ang kanan kong kamay at kanya itong hinawakan.  Habang pareho kaming nakasandal sa isa't isa at hinihintay na tuluyang makatulog ay magkahawak ang aming mga kamay.



Medyo naidlip na rin ako at marahil ay ganoon na rin siya.  Hindi na niya hawak ang kamay ko bagkus ay nakakapit na siya sa bisig ko.  Ang palad ko ay pinatong na niya sa kanyang hita.  Hindi ko alam kung gising pa siya pero sa tuwing umaangat ang takbo ng bus ay dama ko ang higpit ng kapit niya sa bisig ko.  Pinisil ko ang hita niya at dama ko ang pagbuntong hininga niya.  Gising si Nico.



Sinimulan kong himas-himasin ang kanyang hita pero hanggang doon lang.  Tinatantiya ko ang maging reaksyon niya.  Paminsan-minsan ay naririnig ko ang mahihina niyang mga ungol pero patuloy lang siyang nakahilig sa akin na parang natutulog lang.  Sa patuloy kong paghimas sa kanyang hita ay marahil hindi na ito nakatiis at iginiya ang kamay ko sa kanyang harapan.  At nang pumatong ang palad ko sa kanyang harapan ay matigas na ang nasa loob nito.



Habang nakapatong ang kamay ko sa kanyang harapan ay pisil at himas ang ginagawa ko dito.  Taglibog siguro si mokong at nangtitrip lang.  Habang pisil at himas ang ginagawa ko sa kanyang nakatagong pagkalalake ay panay naman ang himas nito sa aking bisig.  At nang hindi na ito makatiis ay siya ang nagkalas ng tali ng kanyang shorts at iginiya ang kamay ko papasok dito.



Pagkapasok ng kamay ko sa loob ng kanyang shorts ay isang mainit at malapot na likido ang kaagad na nakapa ko.  May pre-cum na si loko.  Nilaro ko ang pre-cum nito at ipinahid sa ulo ng kanyang ari na lalong nagpainit sa kanya.  Habang hawak ko ang kanyang ari ay hawak niya ang aking bisig at napipisil niya ito pag nakiliti siya.



Sobrang init ng kanyang ari.  Daig pa ang isang tao na may lagnat.  Nang salatin ko ito at pinahiga sa aking palad, simula dulo ng aking middle finger, ay abot hanggang pulso ko ang pinakaulo nito.  May kahabaan ang ari ni Nico.  Pinagsalikop ko naman ang aking hinlalaki at hintuturo at sukat na sukat nito ang katabaan ng ari niya.  Gifted nga itong katabi ko at ang swerte ng syota niya.  Hehe



Matagal ko ring nilaro ang kanyang ari hanggang sa nagsabi na si Nico na tama na daw at baka labasan siya.  Dyahe nga naman kung biglang umalingasaw sa loob ng bus ang chlorox na amoy.  Isang malaking eskandalo iyon pag nagkataon.  At bago siya bumalik sa pagkahilig sa aking balikat upang muling matulog ay hiniram niya ang aking cel at nilagay niya doon ang kanyang number.  Text ko daw siya pag bumalik ako ng Maynila.



Pareho kaming masayang nakatulog muli.  Dahil sa nangawit ako sa puwesto namin ay pinatong ko na lang ang kanyang ulo sa bag ko at matiwasay naman kaming nahimbing. 



Papaumaga na ng ako ay magising at bigla akong na-excite nang di sa kalayuan ay nakita ko ang Mayon Volcano.  Para akong bata na tuwang-tuwa at nilabas ko ang cel ko para kuhaan ito ng video.  Maganda ang panahon at kitang-kita mula sa kinaupuan ko ang perfect cone nito.  Tapos bigla kong naalala na mahimbing pa palang natutulog si Nico.  Maaliwalas ang mukha niyang natutulog.  At hindi ko mapigilan ang sarili ko na kuhaan siya ng video habang nasa kasarapan ng tulog.



Nakalabas na ang araw ng dumating kami ng Albay.  Nagpasalamat ulit siya at ipinaalala sa akin na itext siya pagbalik ko ng Maynila.  At para hindi niya ako makalimutan ay nagmiscol ako sa kanya bago pa siya umalis ng upuan.  Nang sunduin niya ang kanyang syota sa unahang upuan ay magiliw silang nagyakapan.  Kainggit naman, bulong ko sa sarili ko.  Hehe.  At bago pa sila tuluyang bumaba ng bus ay ngumiti at kumaway pa sa akin si Nico.  Malamang nagtataka ang kanyang syota kung sino ako.  Haha. Lagot kang Nico ka.



Inenjoy ko ang isang buong linggo na bakasyon ko sa Sorsogon.  Medyo bitin kasi maraming pang mga lugar ang hindi ko napuntahan.  Kaya lang ay kailangan ko nang bumalik sa Maynila para magtrabaho ulit para may pang gala na naman.  At pagbalik ko ng Maynila ay kaagad kong naalaala na may itetext pala ako.



"Uy, Nathan. Next week pa ako uuwi dyan. Kita tayo ha?" Ang reply ni Nico.


 -end-

No comments:

Post a Comment